Dahilan kaya nagpaparamdam ang mga namatay
- Twincle Esquierdo
- Nov 19, 2019
- 2 min read

Maraming naniniwala na nagpaparamdam ang mga kaluluwa dahil may nais daw silang sabihin. Totoo kaya ‘yun? Ayon kay Stargazer, psychic, madalas na nagpaparamdam ang mga namatay sa kanilang mga naiwang kaanak na hindi mapalagay sa pagkamatay nito.
Ayon kay Stargazer, hindi mapalagay ang mga kaluluwa kaya sila nagpaparamdam, pero kung tutuusin, ang mga naiwang mahal sa buhay ang hindi mapalagay dahil hindi pa natatanggap ng mga ito ang pagpanaw ng kanilang kaanak.
Gayunman, nagpaparamdam ang mga kaluluwa sa tamang oras, lalo na sa mga kamag anak at sa mga taong naging malapit sa kanila noong sila ay nabubuhay pa.
Dagdag pa rito, mas madali para sa mga kaluluwa ang magparamdam sa pamamagitan ng amoy dahil nagbibigay ito sa kanila ng enerhiya at ilaw dahil hindi na nila kayang mag-anyong tao.
Kapag namatay ang tao, nagko-cross ang dimension nito kung saan pinoproseso ng kaluluwa ang kanyang sarili para lumipat sa kabilang mundo, ngunit napipigilan ito ng mga kamag-anak kapag masyado nang matagal ang pagluluksa ng kanyang mga kaanak o kapag hindi pa natatanggap ng mga ito ang kanyang pagkawala. Seryoso ba?
Samantala, may tinatawag na doppelganger kung saan may kapareho ng pisikal na anyo ang tao at minsan, kaluluwa raw ito ng namatay na maaaring ikapahamak ng ginagaya niya.
Gayunman, kung nagpakita sa panaginip ang yumao mong mahal sa buhay, ibig sabihin daw nito ay nasa mabuti na siyang kalagayan dahil tapos na ang kanyang paglalakbay.
Hindi lang mga ex ang nile-let-go, besh, kailangan mo ring tanggapin ang pagkawala ng mga mahal mo sa buhay. Minsan, hindi naman talaga sila nagpaparamdam, nagkakaroon lang tayo ng hallucination at pagnanasa na makita o makausap sila.
Ayon sa Ecclesiastes 9:5, “Ang mga patay ay walang nalalamang anuman,” ibig sabihin, ang mga patay ay wala nang naaalala. Hindi na nila maaalala kung sino sila at sino ang pamilya nila dahil wala na silang mga kamalayan.
Mga ka-Bulgar, mahirap man paniwalaan ang mga nabanggit, mas makabubuti pa rin na malaman kung ano ang totoo upang hindi tayo maloko.
Kung hindi n’yo pa tanggap ang pagkawala ng inyong mga mahal sa buhay, it’s time to let go at mag-move on na sa panibagong journey. Huwag n’yo silang kalimutang ipagdasal. Okie?




Until now di pa ako nakamove on sa pagkawala ni papa :( Di siya nagbibisita sa panaginip ko pero nagpaparamdam si papa :(