Ngarag na ngarag ka na ba? Tips para hindi ma hassle sa paghahanda ngayong pasko

May mga nagpaplano na ng kanilang bakasyon ngayong Holiday Season at meron din namang nagsisimula nang magplano para sa mga ganap sa Pasko. Saan ka sa nabanggit?
Kung wala pa, don’t worry dahil we got you, beshy! Kahit medyo may panahon pa, dapat nagsisimula ka nang magplano para hindi hassle mamili ng mga panregalo, ma-short sa budget o magkaroon ng hindi magandang selebrasyon. At dahil d’yan, narito ang Christmas guide para sa inyo:
1. MAGSIMULA NANG MAGLAAN NG PERA. Habang may panahon pa, simulan mo nang magtabi ng pera para sa mga parating na kaganapan at gastusan. Mula sa mga panregalo, panghanda at panggala, simulan mo nang mag-ipon, besh!
Hindi porke may inaasahan kang 13th month pay at bonus ay makakampante ka na dahil kapag hindi pinaghandaan ang gastos, baka ang ending ay walang matira sa perang natanggap mo. Aray!
2. MAGPLANO NG BUDGET. Sa lahat ng pagkakataon, hindi dapat mawala ang budget plan. Siyempre, mas okay nang may plano kesa gastos nang gastos at magugulat ka na lang na ubos na ang pera mo. Hay, naku!
3. ILISTA ANG MGA BIBIGYAN NG REGALO. Kung may budget plan at pera ka na, it’s time para intindihin kung sinu-sino ang mga dapat mong bigyan ng regalo. Puwede mo itong simulan sa iyong pamilya, kaibigan at mga inaanak. Take note, mga besh, kung hindi mo afford na bigyan silang lahat, oks lang ‘yun dahil hindi naman madaling kumita ng pera para makabili ng panregalo.
Gayundin, hindi kailangan na bongga ang ibigay mo, oks na ‘yung simple, pero mapakikinabangan. ‘Ika nga, it’s the thought that counts.
4. ILISTA ANG LAHAT NG BIBILHIN. Bukod sa mga reregaluhan, ilista rin ang mga ibibigay sa kanila o maglagay ng choices sa bawat bibigyan ng regalo dahil kung hindi makahanap ng isa, at least, may option pa.
Gayundin, huwag kalimutang ilista ang mga panghanda sa noche buena para wala na talagang makakalimutan kapag namili ka.
5. MAG-ABANG NG MGA SALE. Kahit hindi naman shopping season, marami nang sale sa mga mall at malalaking pamilihan tulad ng Divisoria at Baclaran kaya mga besh, kung ito ang mga trip mong puntahan, planuhin mo na ang magiging diskarte mo sa pagsa-shopping.
Isa pang tip, huwag agad bumili kapag sale dahil mabuting kilatisin muna ang produkto bago bilhin.
Sa ganitong paraan, malalaman mo kung talagang sulit ang bibilhin mo o hindi.
6. MAG-RECYCLE NG DEKORASYON. Kung naitabi mo pa ang mga pandekorasyon na ginamit mo nu’ng nakaraang taon, gamitin mo ulit!
Pero kung wala, don’t worry dahil kering-keri mong gumawa ng mga pandekorasyon mula sa mga lumang gamit. Yes, beshy!
Tandaan, hindi pabonggahan ng Christmas décor ang labanan, nasa awra ng bahay ‘yan kung masaya ang mga nakatira dahil malapit na ang Pasko.
Oh, mga besh, sa paghahanda sa nalalapit na kapaskuhan, huwag n'yong kalimutan ang mga ito para everybody happy at iwas-hassle.
Ngayong Pasko, iwasan nating mataranta sa mga last-minute ganap kaya hangga’t may panahon, simulan nang maghanda.
Huwag kalimutang ibahagi ang mga tips na ito. Copy?





Comments