top of page
BIDA - JANELLA KAY KLEA I LOVE YOU SO MUCH, MY BABY, MY LOVE, MY SWEET BABY BOO!-IG _kleap

Hindi lang pampaganda ng kutis... Kamatis, oks pantanggal ng hangover at paso, panggamot din sa sunb

  • Justine Daguno
  • Oct 10, 2019
  • 2 min read

Paborito ng karamihan ang kamatis dahil hindi lang ito pampalinaw ng mga mata kundi perfect din ito sa mga nagdidiyeta dahil ito ay mayaman sa antioxidants at iba’t ibang uri ng bitamina. Ayon sa pag-aaral, ang medium sized na kamatis ay may 28% ng Reference Daily Intake (RDI) ng Vitamin C at iba pang essential nutrients, lalo na kung kakainin ito nang raw o hindi pa nailuluto.

Pero, alam n’yo ba na hindi lang ito basta source of vitamins? Puwede rin natin itong gamitin sa iba pang bagay tulad ng:

1. PANLINIS NG SILVERWARE. Ang ketchup na isa sa mga produkto ng kamatis ay mabisang pampakintab ng silverware. Ito ay mayroong acetic acid na epektibong pantanggal ng kalawang o pangingitim ng nasabing kagamitan. Sabi nila, mas epektibo raw ito kung ihalo sa Worcestershire sauce.

2. SKIN CARE. Epektib din na pang-skin care ang kamatis dahil nakatutulong ito na pang-treat ng oily skin, acne at wrinkles. Kumuha lamang ng tatlo hanggang limang piraso nito saka gumawa ng mashed tomatoes, gamitin itong facial o body scrub at ibabad nang 15 hanggang 20 minutes saka banlawan gamit ang maligamgam na tubig.

3. PANG-RELIEF NG SUNBURN. Tulad ng paggamot sa oily skin, acne at wrinkles, maaari rin itong pang-relief ng sunburn. Maglagay ng ilang piraso ng hiniwang kamatis sa apektadong bahagi ng katawan at ibabad ito hanggang sa makita ang pagbabago o pagbabalik sa normal ng balat. Pero tandaan, kung malala ang sunburn, dapat itong ipakonsulta sa dermatologist bago gumawa ng DIY treatment.

4. PANGGAMOT SA PASO. Natural din itong panggamot sa paso. Pagkatapos lagyan ng yelo o cold compress ang apektadong bahagi ng katawan, lagyan ito ng ilang piraso ng hiniwang kamatis.

Ang alkalinity na taglay nito ay makatutulong para mapigilan ang sakit at maiiwasan ang paltos.

5. PANTANGGAL NG HANGOVER. Sa simpleng paraan, makatutulong ang kamatis na pantanggal ng hangover. Kumain lamang ng omelet na maraming kamatis o uminom ng tomato juice, fresh man o artificial. Hindi lang ito nakatutulong para gumaan ang pakiramdam kundi mare-replenish ng antioxidants at vitamins ang katawan.

Ngayon, meron na tayong ideya sa mga bagay na puwedeng paggamitan nito, why not subukan ang ilang gamit nito? Sobrang oks ito dahil mura na, natural pa. Okay?

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page