top of page
BULGARY - LUCAS LORENZO, NA-BANNED DAW SA GOLF DAHIL SA SABLAY NA ASA-IG _juliabarretto.jp

Asar ka na ba sa mala-puno mong legs sa dami ng ugat? Iba't ibang paraan para matanggal ang vari

  • Twincle Esquierdo
  • Oct 2, 2019
  • 2 min read

Ang varicose veins ay ugat na namamaga at makikita sa mga binti at paa. Ayon sa mga eksperto, nakukuha ito kapag hindi maayos ang daloy ng dugo sa mga ugat. Siguradong ayaw nating tumagal ito sa ating mga binti at paa kaya paano malulunasan ang mga ito? Narito ang mga dapat gawin para mawala ang varicose veins:

1. I-masahe ang mga binti. Iunat ang mga binti habang nakaupo o nakahiga upang makadaloy nang maayos ang dugo patungo sa puso. Gayundin, makatutulong ito sa magandang sirkulasyon ng dugo. Gumamit ng coconut o olive oil para maging madali ang pagmamasahe.

2. Compression Stockings. Ginagamit ito para gumanda ang daloy ng dugo, gayundin para maiwasan ang pagbabara ng dugo sa ugat. Ang compression stockings ay nagbibigay ng pressure malapit sa ankle at paa para gumanda ang blood flow. Gayundin, mayroon itong iba’t ibang uri tulad ng support pantyhose, compression socks and stocking at prescription compression stockings. Ang haba nito ay karaniwang hanggang tuhod at hita pero, bago gumamit nito, mabuting kumonsulta sa mga eksperto para malaman kung anong uri ng compression stocking ang angkop sa iyo.

3. Mud Packs. Ang paglalapat ng mud pack sa apektadong binti ay nakatutulong para mabawasan ang paglaki ng mga ugat. Ihalo ang clay sa tubig saka ipahid sa mga binti bago matulog at banlawan, kinabukasan. Habang natutuyo ang clay, mararamdaman ang ‘tightening effect’, gayundin, mayroon itong detoxifying effect na nagtatanggal ng impurities sa balat at blood vessels.

4. Mag-ehersisyo. Ayon sa National Heart, Blood and Lung Institute, ang pag-upo o pagtayo sa loob ng mahabang oras ay sanhi ng pagkakaroon ng varicose veins. Dahil dito, inirerekomenda ang regular na ehersisyo dahil isa ito sa mga pinakamahusay na paraan upang gumanda ang daloy ng dugo. Ito rin ay nakatutulong para mabalanse ang hormones, mapanatili ang malusog na timbang at katamtamang presyon ng dugo.

5. Pagpapanatili ng Malusog na Timbang. Malaki ang posibilidad na magkaroon ng varicose veins ang taong sobra ang timbang dahil nagkakaroon ito ng malaking presyon sa ugat at puwedeng makadagdag sa paglaki o pamamaga ng ugat.

6. Essential oil. Ito ay galing sa mga halaman tulad ng bulaklak, herbs o puno. Marami itong uri pero, ang lavender, horse chestnut, sea pine, grape vine at cypress essential oil ang ginagamit para sa varicose veins. Ang langis ng cypress ang pinakamabisa sa mga ito dahil kaya nitong suportahan ang sistema ng sirkulasyon ng dugo. Gamitin ito nang dalawang beses kada araw bilang panghilot.

Oh, mga ka-Bulgar, kahit alam n‘yo na ang dapat gawin para gamutin ang varicose veins, huwag n’yong hayaan na lumala pa ito bago kayo umaksiyon. ‘Ika nga, huwag nang hintayin pang lumala ang kondisyon bago umaksiyon at kumonsulta agad sa doktor upang malaman kung ano ang mga dapat n’yong gawin? Copy?

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page