Hindi ‘yung ikaw ang talk nang talk... Tips para maging mabuting tagapakinig sa kaibigang may pinagd
- Twincle Esquierdo
- Oct 1, 2019
- 2 min read

Lahat tayo ay nangangailangan ng tagapakinig sa lahat ng pagkakataon, lalo na kapag may pinagdaraanan tayo. Madaling maghanap ng mapagkukuwentuhan, pero mahirap maghanap ng taong makikinig sa lahat ng sasabihin natin at iintindi sa nararamdaman natin.
Gayunman, paano ba maging mabuting tagapakinig? Narito ang ilang tips para sa inyo:
1. HUMANAP NG TIMING BAGO MAGSALITA. Minsan, hindi natin napapansin na nasisira natin ‘yung “moment” kapag bigla tayong sumisingit habang nagsasalita ang kausap natin. Totoo na kahit hindi natin intensiyon na maging panira ng moment, eh, ganu’n ang nangyayari kaya mga besh, kapag nagsasalita ang kausap natin, humanap tayo ng tiyempo bago sumagot. Gaanuman natin kagustong magsalita o mag-comfort, maghintay muna tayo ng tamang timing dahil kapag nawala sila sa momentum, finish na ang usapan.
2. ONE THING AT A TIME. For sure, hindi sa lahat ng pagkakataon ay wala tayong ginagawa, pero kapag may kaibigan tayong kailangan ng tagapakinig, let’s do our best na ibigay ang atensiyon sa kanya para ma-absorb ang lahat ng sinasabi niya. Gayundin, sa ganitong paraan, mararamdaman niyang interesado ka sa mga sinasabi niya.
3. MAGPOKUS SA PINAGDARAANAN NG KAUSAP. Kapag may kaibigan tayong may pinagdaraanan, hindi natin naiiwasan na magbanggit ng pinagdaanan natin noon o ‘yung mga “ako nga…” na linyahan. Mga besh, kung ang goal ninyo ay maging “good listener”, isantabi natin ang mga ganitong bagay dahil una sa lahat, sila ang may pinagdaraanan at hindi tayo. Okie?
4. 80/20 RULE. Ito ‘yung 80% listen at 20% speak. Kapag pakiramdam mong lumagpas ka na sa 20% ng pagsasalita, it’s time para maghinay-hinay para bigyan ng chance ang kabilang panig na magsalita. Tandaan na sa ganitong mga sitwasyon, higit na makatutulong ang pakikinig para malaman kung paano magre-respond sa ating kausap.
5. HUWAG AGAD MAGTANONG. Kapag nagpokus ka sa mga bagay na gusto mong itanong sa iyong kausap kaysa sa pakikinig, mataas ang tsansa na hindi mo mapigilang magtanong kahit hindi pa tapos magsalita ang kausap mo. Anuman ang tumatakbo sa ating isip, isantabi ito at unahin nating makinig.
Hindi man natin napapansin pero, totoo na napakalaking tulong ng pagiging mabuting listener dahil madalas, ito ang kailangan ng karamihan.
‘Yung tipong okay lang sa kanila na mapakinggan para mailabas ang kanilang saloobin. Mga besh, minsan, ang pakikinig ay higit na mabuti kaysa sa pagsasalita. Copy?





Comments