top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Kahit napipilitan na lang... DAHILAN KAYA HIRAP TUMANGGI ANG MGA PINOY

  • Jersy Sanchez
  • Sep 4, 2019
  • 2 min read

KAPAG niyayaya tayo sa mga lakaran, parang awtoma­tiko nating nagiging sagot ang “oo” da­hil hirap tayong tumanggi. Kaya ang ta­nong ng mara­mi, ba­kit hirap ta­yong mga Pilipino na tu­manggi sa mga paan­yaya o pa­bor na hini­hingi ng ating mga ka­tra­baho, kaibi­gan at kapa­milya?

Para sa ating mga Pinoy, na­ging normal na ang pag-oo sa kahit anong paanyaya ng mga katrabaho, kaibigan o kapamilya natin kahit ang ak­tibidad ay malayo sa ating prayoridad, ma­pa-gala, trabaho o gawaing-bahay man ito.

Ayon sa mga eksperto, ito ay dahil sa pagiging ‘hospi­table’ nating mga Pilipino kung saan iniiwasan din umano natin na ‘ma­saktan’ ang sinumang nag-imbita o humingi ng pa­bor sa atin. Mas inuuna nating isipin ang mara­ramdaman nila kung tatanggi tayo kesa sa epekto nito sa ating schedule o iba pa nating gawain.

Dagdag pa rito, ang hindi pagtanggi ay isa umano sa mga epekto ng pagpapalaki sa atin dahil naging mindset natin na ang pagtanggi o pagsagot ng ‘no’ ay hindi maganda.

Kumbaga, para umanong nakatatak sa isipan natin na ang pagtanggi ay may masakit na feedback para sa ibang tao kaya para maiwasan ito, hirap tayong tumanggi kahit hindi bukal sa ating kalooban ang pag­tang­gap sa imbitasyon.

Para hindi maging negatibo ang pag­tanggi, nagbigay ng ilang tips ang mga eks­perto para maiba ang mindset natin dito. Una, mag-pause o mag-isip. Ha­limbawa, may nagya­ya na lumabas o gumi­mik pero wala kang bud­get. Dahil sa peer pres­sure, napa­paoo ka kahit posibleng ma­galaw ang budget na naka­laan sa al­lowance o sa pa­milya mo. Para maiwa­san ito, ma­buting hu­wag agad su­magot o umoo, mag-isip munang mabuti kung ma­kaa­apekto ito sa iyong bud­get o pa­nganga­ilangan ng iyong pa­milya.

Ikalawa, mag-priori­tize ng oras, budget at effort. Anila, ngayong medyo tuma­tanda na tayo, si­guradong nag-iiba na rin ang ating priorities lalo na ang mga mayroon nang pamilya. Mabuting ikonsidera ito dahil ami­nin man natin o hindi, maraming oras ang nasasayang sa pagtanggap ng imbi­tasyon kapag hindi ito bukal sa ating kalooban.

Mga bro at sis, hindi sa lahat ng pagka­kataon ay masama ang intensiyon ng bawat isa sa pagtanggi. Gayundin, hindi dapat su­mama ang loob natin kapag tayo ang ti­nanggihan dahil ‘ika nga nila, lahat tayo ay may iba’t ibang priorities habang tuma­­tanda.

Kaya oks lang na tanggihan dahil si­guradong marami pa namang next time. Copy?

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page