Para sure na safe ang inyong pamilya, mga momshie... IBA’T IBANG GAMIT PANLUTO NA NAKALALASON
- Ronalyn
- Aug 25, 2019
- 3 min read

UPANG maiwasan ang anumang uri ng sakit, palagi nating pinananatiling malinis ang ating bahay, lalo na ang kusina. Madalas din nating iniiwasan ang mga pagkaing nakasasama sa kalusugan.
Nagtitiis tayong puro gulay ang kainin dahil sa sustansiyang taglay nito, ngunit, ang mga kagamitang panluto ay nakaaapekto rin pala sa mga pagkain.
Anu-ano ang mga kagamitang panluto na maaaring magdulot ng hindi magandang epekto sa ating kalusugan?
1. KAGAMITANG PANLUTO NA YARI SA ALUMINUM. Ang aluminum cookware ay affordable, madaling gamitin at magandang heat conductor kaya for sure, may mga momshie na gumagamit ng aluminum cookware tulad ng aluminum pot or pan sa pagpe-prepare ng foods natin.
Pero, sey ng expert ng The Daily Meal at dating Healthy Eating Channel na si Michael Serrur, ang mga acidic food tulad ng tomato sauce ay nagkakaroon ng chemical reaction sa aluminum na nakapagpo-produce ng lason sa pagkain.
Dagdag din ni Megan Patiry, health researcher at writer, ang aluminum na galing dito ay maaaring magdulot ng seryosong epekto sa kalusugan kapag nakain o nainom. Ito ay isang uri ng neurotoxin na nakaaapekto sa 200 biologically important functions ng katawan.
Ayon sa ilang mga pag-aaral, ang labis na exposure sa aluminum ay nakapagdudulot sa pagkakaroon ng Alzheimer’s disease at dementia, gayundin, ang pagkasira ng nervous system.
2. KAGAMITANG PANLUTO NA YARI SA COPPER. Popular ang paggamit ng copper pots hindi lang dahil maganda itong heat conductor kundi dahil sa abilidad nitong mapanatili ng steady temperature. Pero, ayon sa mga eksperto, ang copper content ng kawali ay maaaring humalo sa acidic foods at ang overconsumption ng mga pagkaing nahaluan ng copper ay maaaring humantong sa pagkakaroon ng ulcer at liver damage.
3. KAGAMITANG PANLUTO NA YARI SA PLASTIC. Ang mga mixing spoon na gawa sa plastic ay lubhang delikado dahil kapag ginamit ito sa mainit na kawali, halimbawa, kapag naggigisa ng sibuyas, ang ilang bahagi nito ay unti-unting natutunaw at humahalo sa ating niluluto. Ang mga harmful chemical at gas nito ay napupunta sa inilulutong pagkain kaya ang payo ng experts, gumamit ng mixing spoons na gawa sa kahoy o stainless steel.
Pinag-iingat din ng mga expert ang mga momshie sa paggamit ng mga plastic food container, water bottle at cutting board dahil ayon sa isinagawang pananaliksik ng Centers for Disease Conrol and Prevention (CDC), ang BPA, isang uri ng kemikal na main ingredient sa paggawa ng mga plastic food container, water bottle at cutting board ay humahalo sa fluids ng katawan. Sa 2,517 urine samples, 93% dito ang na-detect na mayroong BPA.
Sa isinagawang lab experimentation kung saan gumamit ng hayop, natuklasang ang BPA ay mayroong negatibong epekto sa mga fetus at newborn, kaya ang payo ng mga expert, i-check ang container kung mayroong tatak ng recycle code.
4. KAGAMITANG PANLUTO NA GAWA SA STAINLESS STEEL NGUNIT MAY MGA GASGAS. Sa panahon ngayon, tanging stainless steel na lang ang pinaka-recommended ng mga eksperto na gamiting panluto, ngunit, ito ay madaling magkaroon ng scratches o gasgas.
Sey ng mga expert, kapag nagasgasan ang stainless steel, nagli-leak ito ng minerals tulad ng iron, chromium at nickel sa pagkain. Ang mga ito ay hindi matatawag na dangerous sa kaunting amount, pero kapag palaging ginagamit ang mga stainless steel na may gasgas na, maaari itong magdulot ng health problems.
5. KAGAMITANG PANLUTO NA MAYROONG POLYTETRA- FLUOROETHYLENE (PTFE). Ang polytetrafluoroethy ay isang uri ng chemical na ginagamit sa mga “non-stick” na panluto. Ito ay isa sa mga most toxic chemical. Ayon sa mga pag-aaral, ang mga non-stick na kagamitang panluto na mayroong polytetrafluoroethylene ay nagri-release ng 6 toxic gases kapag naiinitan na nakaaapekto sa nerves.
Mayroon ding mga non-stick na panluto na ginagamitan ng chemical na perfluorooctanoic acid (PFOA). Tulad ng PTFE, nakapagdudulot din ito ng mga negatibong epekto sa ating katawan tulad ng tumor, neonatal death at pagkasira ng immune system, liver at endocrine system.
Now we know, mga momshie! Ang payo ng health experts, mas makabubuti ang paggamit ng ceramic, glass containers, stainless steel utensils, bamboo containers at bamboo cutting boards. Okie?





Comments