Para hindi mapag-iwanan ng mga bagets... ALAMIN: KAHULUGAN NG MGA SALITANG PATOK SA MILLENNIALS

KUNG noon, eh, nakabibilib ang makakatang salita, ngayon, halos magpaiksian na at kung hindi ka updated, mahuhuli at mapag-iiwanan ka talaga.
Sa totoo lang, maraming mga nauusong salita ngayon na kaunti na lang ang nakaintindi. Kaya para sa kaalaman ng lahat, narito ang ilan sa mga salitang madalas banggitin ng mga kabataan ngayon o ‘yung tinatawag na “millennial”.
1. EKIS. Ang “ekis” ay ang ibang pagsasabi ng hindi mo gusto o ayaw mo na sa tao. Sa totoo lang, masakit masabihan ng ganito, lalo na kung kaibigan mo ang magsasabi sa‘yo. Aww!
2. ALAWS. Ito ang dapat mong sabihin kung wala nang natira sa‘yo. Halimbawa, ubos na ang pera mo o kinakain mo, sabihin mo lang sa barkada mo na “alaws mga repa”, eh, gets ka na nila. Hi-hi-hi!
3. GG. Ooops, hindi ito galunggong, ha? Ang GG ay millennial term para sabihin mong negative o hindi puwede. Halimbawa, hindi kayo puwedeng tumambay o mag-overnight sa bahay ng kaibigan mo, in short, “GG, mga sir!” ‘Yun lang!
4. EDEWUP. Isa ito sa mga nauusong pagbabaligtad ng salita, ang “edewup” ay ang binaligtad na “puwede”. Easy, ‘di ba? He-he-he!
5. LEGIT. Ang ibig sabihin ng legit, eh, tunay o totoo. Usung-uso ito kapag bibili sa online kung saan maririnig ninyo sa ibang tao ang salitang “legit ba ‘yan?”
6. AWIT. Hindi ito kanta, mga beshy. Ang salitang “awit” minsan ay may karugtong na “sa‘yo”. Ang ibig sabihin nito sa mas madaling salita, eh, patay tayo sa‘yo o parang sinasabi sa‘yo na mali o palpak ‘yung diskarte mo.
Oh, ayan, mga besh, naloka ba kayo? Kaunti pa lang ‘yan kaya dapat, easy pa lang ‘yan para sa inyo. Pero, at least, kahit papaano ay may nalaman tayo.
Be updated para hindi naa-out of place.
Okay?





Comments