top of page
Machong Chismisan - YT.jpg

'Wag matakot, mas oks na laging handa! Mga bagay na dapat harapin sa first job

Hiraya
Aug 14, 2019
2 min read

KINAKABAHAN sa first job? Oks lang ‘yan, beshy! Normal lang na kabahan sa lahat ng bagay, lalo na kung first time dahil dehins natin alam kung ano ang mga bagay na naghihintay sa atin. Gayunman, para sa mga ka-Bulgar natin na papasok sa first job, congrats at ang tanong, ready ka na ba? Kung hindi pa, narito ang mga bagay na dapat mong asahan sa pagpasok dito:

1. MALA-TALK SHOW NA INTERVIEW. Akala mo, tapos ka na sa interview? Hindi pa, beshy, dahil kapag pumasok ka na, siguradong may interview session ka pa sa workmates mo. Asahan ang mga tanong na “saan ka nakatira?”, “ilang taon ka na?” o “may dyowa ka na ba?” Huwag kang masyadong mailang dahil parte ‘yan ng pagkilala nila sa iyo. Kilala tayong mga Pinoy bilang friendly kaya para makapag-adapt sa bagong environment, dapat kang maging handa sa mga ‘friendly interrogation’ na ito.

2. MAY PAGKAIN ANUMAN ANG MANGYARI. Mapa-meeting, seminar o birthday, siguradong may pagkain. Sino ba ang tatanggi rito, lalo na kung libre, ‘di ba? Ha-ha-ha! May okasyon man o wala, ang simpleng lunch break ay nagiging fiesta dahil ang mga baon o biniling pagkain ng workmates natin ay pinagsasaluhan. Magandang paraan din ito para makilala ang bawat isa sa team o departamento mo.

3. PAGKAKAROON NG NICKNAME. Masasabi mong komportable na sa iyo ang team o workmates mo kapag binigyan ka na nila ng nickname. Hindi ito basta pinaikling version ng pangalan mo dahil puwede ka nilang tawaging ate, kuya, bunso, tito, tita, lolo at lola. Tulad sa bahay, nakasanayan na ang pagbibigay ng nickname sa mga opisina dahil itinuturing nating pamilya ang ating mga katrabaho, gayundin, bilang ikalawang tahanan ang workplace.

4. EXCHANGE GIFTS. Bukod sa Christmas gifts, hindi mawawala ang mga pasalubong kapag may workmate tayong nagbakasyon. Keychain o pagkain man ang pasalubong na maibigay, be thankful dahil ‘ika nga nila, it’s the thought that counts.

5. FRIENDSHIP. Dahil halos araw-araw kayong magkasama, naging kaibigan na ninyo ang isa’t isa kung saan magiging handa ang bawat isa na tumulong sa iyo, personal na problema man ito o may kinalaman sa trabaho. Gayundin, may umalis man sa inyo, itinuturing ninyong kaibigan ang isa’t isa.

Kung hindi ka pa gaanong confident, okay lang ‘yun dahil for sure, masasanay ka rin pagkalipas ng ilang linggo o buwan. Ilan lamang ito sa mga bagay na siguradong mararanasan mo sa kumpanyang papasukan mo. Have a great start sa iyong first job, ka-Bulgar!

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page