Minsan, uso rin ang magtipid sa pamasahe… PAGLALAKAD, NAKAPAGPAPAHABA NG BUHAY!

SA panahon ngayon, marami sa atin ang tinatamad nang maglakad dahil bukod sa nakapapagod, eh, maraming oras din ang nakokonsumo nito. Pero, kapag nalaman ninyo ang mga benepisyo nito, siguradong sisipagin kayong maglakad. Alam ba ninyo na ang paglalakad ay nakapagpapahaba ng buhay? Hmmm…
Ang mabilis na walking pace ay magandang cardiovascular workout, pero, puwede rin itong maging indicator ng overall health ng indibidwal.
Sey ng experts, ang mabilis na paglalakad ay nakapagpapataas ng tsansa na magkaroon ng mas mahabang buhay ang indibidwal kung saan hindi nakaaapekto rito ang kanyang timbang.
Ayon sa researcher na nag-monitor ng walking habits at pagkamatay ng 475,000 katao kung saan karamihan dito ay nasa 50s, ang mga indibidwal na mayroong mabilis na walking pace ay nabuhay nang mas mahaba kumpara sa mga mas mabagal maglakad.
Inilarawan ng mga researcher ang “brisk walking” bilang paglalakad ng 3 miles kada oras o 100 steps kada minuto. Gayunman, ang walking pace ay ipinaliwanag ng mga kalahok, halimbawa, kung sila ay naglalakad sa “slow pace” o “steady/average pace” o “brisk pace”. Batay sa pag-aaral na nai-published sa Mayo Clinic Proceedings, ang mga kalahok na mayroong brisk walking paces ay nagkaroon ng mas mahabang life expectancies sa lahat ng kategorya ng body mass index (BMI).
Ayon sa mga eksperto, ang resulta ay pareho sa mga fast walker para sa mga mayroong wide range ng BMI mula 20 hanggang 40.
Samantala, ang mga kalahok na may mabagal na walking pace ay mayroong mas mababang life expectancies.
Dagdag pa rito, ang brisk walkers na indibidwal ay may life span na aabot sa 87 years kumpara sa 65 hanggang 72 years na slow walkers na indibidwal. Samantala, ang mga lumabas na resulta ay nagsasabing, maaaring makapag-provide ng proteksiyon mula sa health risk ang cardiovascular fitness.
Mga bro at sis, oks din pala kung maglalakad tayo paminsan-minsan.
Nakapapagod man ito, isipin natin ang maibibigay nitong benepisyo sa ating buhay kapag patuloy natin itong ginawa. ‘Ika nga nila, walang masama kung susubukan.
Okie?





Comments