top of page

Kulang sa budget? alamin: tips sa tamang pag-iipon para sa dream wedding

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Jul 29, 2019
  • 2 min read

Sa panahon ngayon, sigu­radong ma­rami nang gustong mag-settle o mag­pakasal, pero budget ang nagiging had­lang dito. Kung minsan pa, eh, na­uurong nang nauurong ang ka­sal dahil kapos sa budget.

Mga bro at sis, no need to worry dahil kung nagtitipid kayo, narito ang ilang tips para ma-achieve pa rin ang dream wedding ninyo:

1. MAG-SET-UP NG JOINT AC­COUNT. Para makapag-ipon nang tama, mag-open ng joint account para sa dream wedding ninyo. Mag-ipon gamit ang account sa pamamagitan ng paghuhulog ninyo kada akinse at katapusan ng buwan. Para maging seryoso sa pag-iipon, kung made-delay ang paghuhulog ng isa sa inyo, dapat magkaroon ng penalty o dagdag na bayad. He-he-he!

2. MAG-RECORD NG GASTUSIN. Strict man sa budget o hindi, dapat i-track ang lahat ng transaksiyon at gastusin ninyo. Sa ganitong paraan, mas madali ninyong malalaman kung saan napunta ang pera ninyo o kung nagastos ba ito nang tama. Hindi lamang sa kasal magagamit ang tips na ito, mga beshy, dahil applicable rin ito sa future expenses ninyong mag-asawa.

3. LIMITAHAN ANG GUEST LIST. Kung kailangang limitahan ang bilang ng bisita, gawin ninyo, lodi! Hindi mo kailangang imbitahin ang buong barangay dahil kasal ang ipagdiriwang ninyo at hindi fiesta. Para gawin ito, gumawa ng listahan ng lahat ng gusto ninyong imbitahin. Paglipas ng ilang araw, suriin ang listahan at pag-usapan nin­yong mabuti kung sinu-sino at ilan ang magiging bisita ninyo.

4. PUMILI NG MAGANDANG PETSA. Isa sa mga nagpapalaki ng wedding expenses ay ang araw at petsa ng kasal. Ito ay dahil karaniwang mas mahal ang renta ng venue tuwing weekend. Kaya, mga lodi, kung okay sa mga bisita ninyong mag-leave o um-absent sa araw ng kasal ninyo, go na! Malay ninyo, makuha n’yo ang dream wed­ding place ninyo sa mas murang halaga. Ayos, ‘di ba?

5. GAMITIN ANG SARILING NETWORK. For sure, may mga kaibigan o kakilala kayo na gustong tumulong para matupad ang dream wedding natin. Kaya kung may kaibigan kayong make-up artist, photographer, supplier at caterer, make sure na ma­kokonsulta natin sila para makakuha tayo ng kaunting discount at ilang tips.

Tandaan, hindi porke kaibigan natin sila, eh, babaratin o isasagad natin ang presyo. Kahit nagtiti­pid tayo, siguraduhin nating mababayaran sila nang tama at hindi sila malulugi. Okie?

‘Ika nga nila, kapag gusto may paraan, kapag ayaw may dahilan. Kaya, mga bro at sis, huwag kayong mag-alala kung sa tingin ninyo ay mahihirapan kayong ma-achieve ang dream wedding ninyo dahil sa budget, pero kung magpupursige kayo, walang magiging hadlang para tuparin ang pangarap ninyo.

Happy wedding, mga ka-BULGAR!

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page