top of page

‘Wag nang ipilit, besh... 6 signs na dapat nang putulin ang relasyon

  • Donna Thea Topacio
  • Jul 27, 2019
  • 2 min read

SA anumang relasyon, hin­di mawawala ang tampuhan, problema at iba pa. Bagama’t, hindi ito nawawala sa sistema, kailan nga ba natin masasabing hindi na healthy ang pagsasa­ma? Narito ang ilang palatan­daan na toxic na ang inyong re­lasyon:

1. MADALAS NA PAG-AAWAY. Natural lang ang pag-aaway dahil hindi sa lahat ng oras ay pabor sa isa’t isa ang pagkakataon. Gayunman, ang madalas na hindi pagkaka­unawaan ay senyales ng mala­king problema, kaya huwag itong balewalain at ayusin kaagad bago pa mahuli ang lahat.

2. KAWALAN NG INTE­RES SA TRIP NG ISA’T ISA. Bawat isa ay may kani-kanyang trip sa buhay kaya kapag puma­sok ka sa relasyon, dapat marunong kang mag-adjust sa partner mo. Pero, siyempre, dapat kaya rin niyang gawin ito para sa iyo nang sa gayun ay walang away at walang gulo.

3. KAKULANGAN NG KOMU­NIKASYON. Isa ito sa pinakakum­pli­kado, lalo na kapag ang bawat panig ay hindi marunong makinig sa opinyon o suhestiyon. Sabihin man nating hindi ito madali, kailangan itong i-workout dahil kung walang maayos na komunikasyon, malaki ang chance na lumabo ang relasyon.

4. IKINUKUMPARA ANG RE­LASYON SA IBA. Kung noon ay feel na feel ninyo ang #relationshipgoals, pero ngayon ay naiinggit na kayo sa iba, hindi magandang sign ‘yan! Hang­ga’t maaari ay mag-effort kayo para muling maibalik ang spark at gumawa ng mga bagong happenings.

5. OA NA ANG PAGIGING SELOSO/SELOSA. Sabi nila, ang ta­ong selosa/seloso ay seryoso, pero hin­di ibig sabihin ay ganito tayo sa lahat ng pagkakataon. Ang sobrang selos ang ‘active destroyer’ sa relasyon. Tandaan, kapag may tiwala kayo sa isa’t isa, hindi kailangang magpaapekto sa iba.

6. NAKALILIMUTAN MO NA KUNG SINO KA. Kapag malabo na o feeling mo ay may mali, tanungin mo ang iyong sarili, sino ka, bago mo siya nakilala? Marami tayong matututunan sa pakikipagrelasyon, pero huwag na­ting hahayaang masira nito ang ating sistema sa anumang aspeto.

Hindi dapat basta sinusukuan ang taong mahal mo kaya kapag may prob­lema, humanap muna ng solusyon para maayos ang sitwasyon, pero kapag ito ay nagkakaroon ng hindi magandang epekto sa ating pagkatao at pananaw sa buhay, iwasan at putulin na dahil mag­du­dulot lang ito ng walang katapu­sang sakitan at pang-iinsulto. Kung toxic na talaga, tama na!

Copy?

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page