top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

Bukod sa pagiging masaya… 5 BENEFITS NG PAGIGING SWEET

  • Donna
  • Jul 22, 2019
  • 1 min read

MADALAS ang pagiging sweet ay nagiging kantiyawan ng magkakaibigan, lalo na kung kasama mo ang GF o BF mo at todo lampungan kayo sa isang sulok. Ayiie! Pero, bukod sa pagiging masaya, alamin ang 5 benefits ng pagiging sweet:

1. OTHER PEOPLE MAY LOVE YOU. Yes, mga besh, kahit ‘yung mga taong hindi ka kilala ay maaari kang mahalin dahil sa iyong pagiging sweet at charming. Kaya, go, go, go lang!

2. THEY THINK YOU ARE CUTE. Kapag sweet ka, puwede ka ring makita na cute dahil malambing ka na maihahalintulad sa pusa. Meow! Hi-hi-hi! 3. YOU CAN HAVE A LOT OF FRIENDS. Of course, winner ka sa pagkakaroon ng maraming kaibigan, ang sarap kayang magkaroon ng kaibigan na sweer, ‘di ba?

4. YOU CAN GET WHAT YOU WANT. Dahil sa iyong pagiging sweet, may posibilidad na ibigay sa iyo ang mga bagay o pagkain ng gusto mo. Wow, bongga!

5. YOU CAN FIND A SWEET BF/HUSBAND. Sa usaping love life, kapag sweet ka, magiging ganundin ang lalaki o babaeng makakasama mo sa buhay kaya dapat huwag mong babaguhin ang ugali mong ‘yan. Okie?

Oh, ayan, minsan nakabi-bitter mang tingnan, cute pa rin kapag sweet ang indibidwal sa kanyang mga nakasasalamuha, pero, make sure na hindi OA para iwas-away.

Copy?

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page