Kaya sa mga medyo slow at mahiyain diyan, read n‘yo ‘to! IBA‘T IBANG PARAAN PARA MATUTONG MAKISAMA S
- Jersey Sanchez
- Jul 8, 2019
- 2 min read

AMININ man natin o hindi, habang tumatanda tayo ay lalong tumataas ang social awkwardness natin. Ito ay dahil unti-unti tayong nasasanay sa maliit na environment kung saan malalapit na tao lamang ang nakakasama natin. Pero, hindi porke hindi tayo komportable sa pakikisama sa iba, eh, hindi na natin ito gagawin. Mga besh, narito ang ilang paraan para maiwasan ang pagiging socially awkward:
1. PLAY HOST. For sure, kahit hindi ka mahiyain, eh, may mga pagkakataong tinatablan ka ng hiya. Kaya para maiwasan ang awkwardness, why not take the lead? Halimbawa, ang pag-i-introduce ng mga bago mong kakilala sa iba pa ninyong kasama. Sa ganitong paraan, maaaring mabawasan ang awkwardness ng mga kasama mo.
2. EMBRACE AN OPPORTUNITY. Ang paglabas sa comfort zone ay nagiging worth it dahil sa pagsubok ng iba’t ibang bagay para magkaroon ng experience. Bagama’t, pagdaraanan mo ang ilang discomfort, magandang paraan ito para ma-achieved ang personal growth at inner strength.
3. LISTEN INTENTLY. Kahit sino, gustong mapakinggan, kahit gaano kaliit na bagay man ang gusto nilang sabihin. Ang pakikinig sa mga kuwento ng bago mong kakilala ay makatutulong para magtuluy-tuloy ang pag-uusap ninyo. Sa ganitong paraan, hindi mo mapapansin na natanggal na ang awkwardness na nararamdaman mo.
4. BE HUMBLE. Bagama’t, magandang move ang pakikipagkuwentuhan para mabawasan ang pagiging awkward, mabuting iwasang magsimula sa topic na tungkol lamang sa iyo. Mabuting simulan ito sa pagtatanong kung ano ang mga hilig gawin, puntahan ng kausap mo.
5. MAKE A FASHION STATEMENT. Minsan, ibinabase natin ang “fashion statement” sa ating mood. Ang kakaibang accessory, sapatos o damit ay maaaring pagsimulan ng usapan dahil madali itong napapansin. Oh, ‘di ba, instant topic na mapag-uusapan? He-he-he!
Mga bro at sis, dehins n‘yo na kailangang mag-alala kung natatakot kayong makisama sa iba dahil sa tips na ito.
Make sure na ibabahagi n’yo rin ito sa iba, ha? Good luck sa pakikisama, mga ka-BULGAR!





Comments