top of page
WINNER - MACHONG CHISMISAN HOSTS, KAKASUHAN NG NBI SA PANLALAIT KAY JOSHUA_FB Circulated.j

Shoutout sa mga estudyanteng tinatamad ng pumasok diyan... 5 DAHILAN PARA PAGBUTIHIN ANG PAG-AARAL

Donna Thea Topacio
Jul 7, 2019
2 min read

‘IKA nga, edukasyon ang tanging ma­ipamamana sa atin ng ating mga magulang at ito ang bagay na kahit kailan ay hindi mananakaw. Kaya sa mga beshy natin diyan na hindi pinahahalagahan ang ka­nilang pag-aaral, naku, bad ‘yan! Gayun­man, may mga taong kahit hindi nakapag-aral ay umasenso ang buhay, pero, tandaan, hindi la­hat ng tao ay nagkaka­roon ng ganu’ng kapalaran. Kaya narito ang 5 dahilan kung bakit kailangan na­ting pagbutihin ang ating pag-aaral:

1. POVERTY REDUC­TION. Kapag nakapag-aral ka kahit hanggang elementarya, may tsansa na magkaroon ka ng trabaho na makatutulong sa iyo upang matugunan mo ang iyong mga pangangailangan sa buhay. Hindi man malaki ang suweldo mo, makatitiyak kang hindi ka magiging pabigat sa lipunan.

2. MAKES YOUR SELF INDEPEN­DENT. Dahil kaya mong kumita sa sarili mo, magiging financially independent ka at hindi lang ‘yun dahil ang edukasyon ay nakatutulong din para magkaroon ka ng wais na desisyon sa buhay.

3. TURNS YOUR DREAMS INTO REALITY. Of course, lalo na kung gusto mong maging engineer, doctor, nurse, teacher at iba pa. Ang pagtahak sa panga­rap ay hindi instant dahil may prosesong dapat gawin para rito, kaya kung gusto ninyong maabot ang inyong mga pangarap na may kinalaman sa career, mag-aral kayong mabuti. Okie?

4. MAKES YOU CONFI­DENT. Kung marunong kang su­mulat at bumasa, mas mabu-boost ang confident mo dahil ngayon ang dalawang bagay na ito ay impor­tante, partikular sa pagha­ha­napbuhay.

5. FOR A HAP­PY AND STABLE LIFE. Bagama’t, may mga yumayaman ka­hit hindi nakapagtapos, du­maraan pa rin sila sa proseso kung saan pinahalagahan nila ang edukas­yon at paniguradong nakatulong ito sa ka­nila para umasenso.

Kaya kung may oportunidad kayong makapagtapos ng pag-aaral, i-grab ninyo ‘yan! ‘Yung iba riyan hanggang elemen­tarya at high school ang natapos dahil wa­lang pera at ‘yun ang dapat ninyong isa­isip, lalo na kung nakaaangat kayo sa buhay.

Gets mo?

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page