top of page

Cherry, lychee, pears etc… MGA PAGKAING MAINAM TUWING TAG-ULAN

  • Ronalyn Seminiano Reonico
  • Jun 15, 2019
  • 3 min read

TUWING tag-ulan, prone tayo sa iba’t ibang uri ng sakit, bakterya, impeksiyon, allergies, ubo, sipon, flu, diarrhea, malaria at cholera. Bukod sa mainit na sopas o sabaw ng nilagang manok, sey ng experts, mayroong mga pagkain na dapat nating isama sa ating diyeta tuwing tag-ulan para mapanatili ang malakas na resistensiya.

Narito ang ilan sa kanila:

1. CHERRY. Ang cherry ay napapanahon tuwing tag-ulan. Ito ay isa sa mga prutas na mayroong low-calories at may taglay na antioxidant na nakatutulong upang maiwasan o malabanan ng ating katawan ang iba’t ibang impeksiyon at pamamaga o inflammation, ang cherry ay nakatutulong upang mapababa ang cholesterol level ng katawan, presyon ng dugo at uric acid level.

2. PLUM. Ang plum tulad ng siniguelas ay sagana sa fiber, copper, potassium, Vitamins C at K. Ayon sa mga siyentipiko, ang anthocyanins at reddish-blue pigment na taglay nito ay nakatutulong upang malabanan ang cancer. Ang prutas na ito ay nakapagpapalakas ng immune system, mabisang panggamot sa constipation at dahil napabubuti nito ang iron level ng katawan, nakatutulong din ito upang maiwasan ang pagkakaroon ng anemia.

3. LYCHEE. Ang lychee ay punumpuno ng antioxidant na nakatutulong sa mga taong mayroong asthma upang makahinga sila nang maluwag. Sa mga tropa nating acidic diyan, ayon sa mga eksperto, ang prutas na ito ay mainam na panggamot sa inyo dahil sa fiber na taglay nito. Para naman sa mga gustong magpapayat, ‘tol, lychee lang ang katapat niyan! Nabusog ka na, pumayat ka pa, oh, ‘di ba, bongga?

4. APPLE. Sabi ng mga tropa nating doktor, “an apple a day, keeps the doctor away” dahil sagana ang prutas na ito sa mga mineral tulad ng phosphorus, iodine, calcium, iron at Vitamins A, B1, B2 at C, ang mga nutrient na ito ay lubos na mahalaga para sa pagpapatibay ng buto, balat, muscles, nerve at brain development.

5. PEAR. Ang pear o peras ay magandang gawing snack dahil bukod sa pagiging malutong, may taglay din itong nutrisyong kailangan ng katawan. Bukod sa fiber, ayon kay Nithya Shrikant, health professional, ito ay mayaman sa copper, Vitamins B12 at C. Ito rin ay may taglay na natural antipyretic agent na nakatutulong upang mapababa ang body temperature ng taong may lagnat.

6. ALMONDS. Bukod sa pagiging masarap, ang almond ay isa sa pinakamainam na source ng protina. Pinagaganda nito ang sistemang panunaw ng katawan o ang digestive system at kinokontrol ang sugar level. Pero, hindi lang ‘yan, ‘tol! Mayroong kasabihan ang mga lola at lolo natin na “small but terrible”, well, ‘yan ang almond. Dahil kaya rin nitong protektahan ang katawan laban sa iba’t ibang uri ng sakit.

7. DURIAN. Buwan ng Agosto hanggang Oktubre ang panahon ng prutas na ito. Ito ay nagtataglay ng napakaraming benepisyong pangka­lusugan tulad ng Vitamin B complex, niacin, riboflavin, pantothenic acid, pyridoxine at thiamin.

8. SUGAR APPLE. Ang sugar apple o atis ay nakatutulong upang maging maayos ang proseso ng panunaw ng digestive system dahil sa pambihirang fiber nito. Ito rin ay mayroong antioxidants at Vitamin C na lumalaban sa mga free radical sa katawan. Mataas din ang potassium at magnesium content nito na nakapagpapa-relax ng muscles at puso kaya mainam itong kainin para maiwasan ang stroke at heart disease.

Ang iba pang napapanahong prutas ay bayabas, dalanghita, guyabano, lanzones, makopa, sampalok, santol at tiesa.

Ngayon alam na natin ang, ‘ika nga, “moonson food”, mga lodi, makaiiwas na tayo sa sakit na dala ng tag-ulan.

Gets mo?

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page