Bagay ‘to sa mga aports nating mahilig pa ring maglaro ng feelings... 5 BENEFITS NG PAGIGING KUNTENT

ISA sa mga problema ng tao ay ang hindi pagiging kontento kung saan ito ang dahilan ng pag-aaway at pagkasira ng relasyon. Marami sa mga kabataan ang naiinggit sa iba, lalo na ngayong paiba nang paiba ang henerasyon.
Kaya, alamin ang 5 benefits ng pagiging kuntento:
1. LESS STRESS. Kung ayaw ninyong ma-stress, make sure na magiging kuntento kayo sa mga bagay na ipinagkakaloob sa inyo dahil kung hindi, maaari kayong kainin ng sistema at maging inggitera.
2. ASSURANCE. Sa usaping pag-ibig, kapag naging kuntento ka, magkakaroon ka ng assurance sa partikular na tao kung saan siya na ang makakasama mo sa buhay. May mga tao kasi ngayon na kahit may GF na, eh, naghahanap pa ng iba, kaya sa huli, naiiwang mag-isa. Alam n’yo na, ha?
3. PEACE OF MIND. Kung gusto ninyo ng peace of mind, dapat kayo rin ay marunong magbigay nito sa ibang tao, iwasang ikumpara ang sarili sa iba dahil hindi ito makabubuti para sa inyo. Copy?
4. BOOST YOUR SELF-CONFIDENCE. Kapag alam mo sa iyong sarili na sapat na ang nakukuha mo at wala kang kinaiinggitan o ginagayang iba, mas confident kang gawin ang mga bagay-bagay dahil para sa iyo, anuman ang sabihin ng ibang tao, basta kuntento ka, okay na ‘yun, ‘di ba?
5. IT HELPS YOU TO ENJOY. Sa buhay, tayo ang pumipili para maging masaya, kaya i-enjoy lang natin ang buhay, iwasan ang pagiging negatibo at huwag magpatalo sa mga pagsubok na kinahaharap ninyo.
Kaya be contented and happy, mga beshy!
Napakagulo na ng mundo kaya huwag na tayong makisali pa rito.
Okidoki?





Comments