top of page
WINNER - NETIZENS KAY PANELO KAWAWANG ‘PINAS!-IG _salvador.panelo & FB Robin Padilla.jpg

Kaya make sure na iiwasan ninyo ito, mga sis/bro! MGA PAGKAING NAKASISIRA NG KIDNEY, ALAMIN!

  • Ronalyn
  • May 15, 2019
  • 2 min read

ANG bato o kidney ay isa sa pinakaimportan­te sa ating organs. Ayon sa National Institutes of Health, 200 quartz ng ating dugo ang araw-araw na sinasala ng kidney at nahihi­walay nito ang halos 2 quartz ng dumi sa ating dugo. Sa prosesong ito, ang mga nutrisyong kailangan ng katawan ay naibabalik sa blood­steam o daluyan ng dugo. Ang kidney ay nagtatrabaho 24/7 upang mapanatili ang ating magandang kalusugan.

Ngunit, ayon sa mga eks­perto, ang mga kinakain natin ay lubhang nakaaapekto sa ating bato o kidney.

Alamin, ang mga pagkaing nakasisira ng kidneys:

1. RED MEAT. Ang nu­trisyong kailangan ng ating katawan na taglay ng red meat ay ang protina. Kailangan ng ating katawan ang protina upang maging maayos at maganda ang ating muscles, ngunit, mga ‘tol, napaka-challenging para sa kidney na tunawin ang red meat. Ayon sa Mayo Clinic, ang mataas na protina ay nakapagpapahirap sa kidney na alisin ang mga dumi sa ating katawan. Kaya hinay-hinay lang!

2. ALCOHOL. Ang alcohol ay lason sa katawan na kailangang i-filter ng kidneys. Ang labis na pag-inom ng alak ay nakasisira rito dahil napipigilan nito ang maayos na pag-filter nito sa ating dugo.

3. SODIUM. Ayon sa Centers for Disease Control and Prevention, 75% ng sodium ang nakukuha sa pamamagitan ng pagkain sa mga restoran at processed foods. Ang sodium ay mahalaga upang maging balanse ang fluid sa ating katawan, ito ay nagtatrabaho kasabay ng potassium upang mapanatiling hydrated ang ating dugo para masalang mabuti ng ating atay. Ngunit, ayon sa Harvard School of Public Health, kung lubhang marami ang asin sa katawan, ang kidney ay mapupuwersang magsala ng maraming tubig na lubos na nakapagpapataas ng presyon ng dugo at nakasisira ng istrukturang pansala ng kidney na tinatawag na nephrons kaya hindi lamang kidney ang maaapektuhan kundi pati na rin ang puso at ugat. Tsk!

4. CAFFEINE. Marami sa atin ang nahihilig uminom ng kape tuwing umaga at hapon, minsan pa ay hindi lang dalawang beses umiinom ng kape ang iba. Ayon sa ginawang pag-aaral ng Kidney International noong 2002, napag-alamang ang overconsumption ng caffeine ay hindi lang nakapag­papataas ng presyon ng dugo kundi nakaaapekto rin sa abilidad ng kidney na sumipsip ng tubig na nagiging sanhi ng dehydration na magiging sanhi ng pamumuo ng kidney stones.

5. SODA AND ENERGY DRINKS. Sadyang napakasarap ng soda at energy drinks, ngunit, ang mga ito ay lubos na nakasasama sa ating kalusugan. Ayon sa mga eksperto ng American Kidney Fund, walang naidudulot na maganda ang soda at energy drink sa ating kalusugan sapagkat punumpuno ang mga ito ng caffeine, sugar, artificial sweetener at nakalalasong kemikal. Ang mataas na level ng sugar sa dugo ay nakasisira ng tissues ng atay.

Ang pag-iingat sa ating kidneys ay hindi madali sapagkat sadyang mapanukso at mapang-akit ang mga pagkaing nakasasama rito, ngunit, kung ating isasaisip ang pangmatagalang epektong maiiwan nito sa ating kata­wan, malaki ang posibilidad na maiwasan natin ang pagkapit sa tukso. Amuy-amoy na lang mga ‘tol. Ha-ha-ha!

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page