Shoutout sa mga botante riyan… MGA BAGAY NA DAPAT TANDAAN NGAYONG HALALAN


HALALAN na! Handa ka na ba, ka-BULGAR? Kung hindi pa, don’t worry dahil we got you, beshy! For sure, marami sa inyo ang first time voters at hindi pa gaanong pamilyar sa sistema ng eleksiyon. Kaya para sa mga beshy nating boboto, narito ang ilang bagay na dapat ninyong tandaan ngayong halalan:
1. TIME. Sa buong bansa, ang oras ng pagboto ay magsisimula ng alas-6:00 ng umaga hanggang alas-6:00 ng hapon. Gayunman, hindi inirerekomenda ang last-minute na pagboto dahil malaki ang tsansa na hindi ka makaboto nang maayos dahil nagmamadali ka. Kung posible, mabuting magtungo ka sa iyong assigned precinct nang maaga.
2. PLACE. Bagama’t, mayroong mga nakahandang listahan ang mga botante sa bawat polling precinct, eh, dito na lang tayo aasa. Kaya bago tuluyang umalis sa bahay, mabuting i-familiarize ang sarili sa espesipikong lugar ng pagbobotohan gamit ang online precinct finder ng Comelec o pagtawag sa kanilang hotline 526-7769.
3. PREPARE. Kung may time ka pa bago umalis ng bahay, mabuting ihanda ang listahan ng mga kandidatong nais mong iboto. Puwedeng magdala ng ‘kodigo’ ngunit, ipinagbabawal ang pagdadala ng campaign materials. Gayunman, para sa persons with disabilities o PWDs, puwede kayong magsama ng sinumang makatutulong sa inyo.
4. SLOWLY BUT SURELY. Ang pagboto ay hindi exam na mayroong time limit kaya ang payo ng Comelec, huwag magmadali sa pagboto upang maiwasang magkamali sa pagse-shade sa balota. Gayundin, ipinapayo na iwasan ang pag-o-over vote dahil hindi magiging valid ang iyong boto. Puwedeng mag-abstain, vote under, ngunit, bawal ang over vote. Copy?
5. DOUBLE CHECK. Pagkatapos ilagay sa vote counting machine (VCM) ang balota, huwag kaagad aalis at hintayin na ma-process ng machine ang iyong balota. Pagkatapos nito, itsek ang voting receipt kung lumabas dito ang pangalan ng mga ibinoto mo. Kung hindi, ipagbigay-alam kaagad ito sa mga nakatalagang officer.
Oh, ayan, mga bro at sis, siguradong hindi kayo mahihirapan sa pagboto dahil sa ilang tips na ito. Huwag kalimutang ibahagi ang mga ito sa mga kapwa ninyo botante, ha?
Vote wisely, mga ka-BULGAR!
Gets mo?





Comments