top of page
WINNER - MACHONG CHISMISAN HOSTS, KAKASUHAN NG NBI SA PANLALAIT KAY JOSHUA_FB Circulated.j

Be updated, keep your gadgets charged, extra clothes means extra care etc... PAGHAHANDA PARA SA NALA

Donna Thea Topacio
May 10, 2019
1 min read

ANG weather ngayon ay parang ‘yung ex mo, napakagulo! Hays! Gayunman, dahil dehins natin knows kung kailan bubuhos ang ulan ngayong unti-unti na siyang nagpaparamdam, narito ang ilang paghahanda para makaiwas sa ka-hassle-an:

1. AVOID RUSH HOUR. Knows natin na tuwing umuulan ay mas lalong bumabagal ang daloy ng trapiko, kaya kung ayaw ninyong maipit, make sure na iiwas kayo sa rush hour at matututo kayong mag-adjust o mag-isip ng ibang paraan na makapag­papagaan sa inyong buhay.

2. BE UPDA­TED. Of course, kaila­ngan updated din kayo kung may bagyo na ba o kaya ay kung saan ang mga lugar na may baha nang sa gayun ay mai­wasan ninyo ang pagda­an dito.

3. DON’T FOR­GET YOUR RAIN GEAR. Si­guro, panahon na para ihanda ang inyong mga payong, ka­pote, bota at iba pa na epekti­bong panlaban sa bagyo o malakas na ulan. Okie?

4. EXTRA CLOTHES MEANS EXTRA CARE. Kung noon, eh, may extra kayong damit para sa pawis, ngayon naman ay para sa damit ninyong mababasa sa lakas ng ulan. Nababagay ito para sa mga estudyante at empleyado na medyo mahaba ang lalakbayin bago makapunta sa destinasyon. Mas okay ng handa kaysa maging basang-sisiw. He-he-he!

5. KEEP YOUR GADGETS CHARGED. Kapag may bagyo o ulan, asahan na ninyo na magloloko ang kuryente, kaya, make sure na makapagtsa-charge kayo, especially sa mga walang powerbank.

Dahil napakagulo ng weather, mas mainam kung ngayon pa lang, eh, nagiging handa na tayo. Sundin lamang ang mga tip na ito nang sa gayun ay maging prepared kayo kahit papaano.

Copy?

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page