Improved blood sugar, rich in electrolytes, boost immune system etc... IBA’T IBANG BAGAY NA MAKUKUH

MADALAS dehins natin knows ang honeydew dahil isang uri ito ng prutas na sa totoo lang ay walang ipinagkaiba sa melon, pero for sure, iba rin ang benepisyong maibibigay nito sa ating kalusugan, kaya narito ang mga bagay na makukuha sa pagkain ng honeydew:
1. RICH IN NUTRIENTS. Ito ay punumpuno ng nutrients na may malaking tulong sa pagpapanatili ng healthy lifestyle.
2. IMPROVE BLOOD SUGAR CONTROL. Ang regular na pagkain ng honeydew ay epektib na panlaban sa diabetes at iba pang uri nito, gayundin, nagkokontamina ito ng fiber na mainam sa pagpo-promote ng nutrisyon.
3. MAY SUPPORT HEALTHY SKIN. Mayroon itong Vitamin C na nakapo-promote ng collagen at kayang pumrotekta sa sun damage.
4. MAY BOOST IMMUNE SYSTEM. Dahil sa taglay nitong mga bitamina, nabu-boost nito ang immune system ng indibidwal, lalo na ‘yung may mga mahihinang resistensiya riyan.
5. PROMOTE PROPER DIGESTION. Tulad ng papaya, kapag ang indibidwal ay kumain ng honeydew mas gaganda ang kanyang metabolismo sa tulong ng fiber.
6. RICH IN ELECTROLYTES AND WATER. Dahil puwede itong ipamalit sa tubig, kaya nitong maka-hydrate, dagdag pa na mayroon itong electrolytes.
7. GOOD FOR BONE HEALTH. Mayroon itong vital bone nutrients na folate, Vitamin K at magnesium, kaya paniguradong mapatitibay nito ang inyong mga buto at kasukasuan.
8. REDUCE BLOOD PRESSURE. Ang honeydew ay mayroong high potassium at low sodium na makatutulong sa magandang daloy ng dugo kung saan nababagay din ito para sa mga hina-highblood. Copy?
Kaya mga beshy, make sure na before kayo kumain ng prutas, eh, knows ninyo ang mga health benefit nito.
Okidoki?





Comments