Kaya ngayong darating na Mother’s Day, eh, pasalamatan natin sila... 5 SACRIFICES NG MGA INA, ALAMIN
- Donna Thea Topacio
- May 7, 2019
- 1 min read

‘IKA nga nila, mahirap ang maging ina dahil bukod sa pagbubuntis, eh, lahat ng gawaing- bahay ay ikaw ang nakatoka at dahil malapit na ang Mother’s Day, alamin natin ang 5 bagay na isinasakripisyo ng mga nanay para sa kani-kanilang pamilya:
BAD ATTITUDE. Minsan, kahit na galit ang mga nanay, pinipilit pa rin nilang kumalma dahil ayaw nilang makita ng kanilang mga anak ang ganu’ng ugali nila na maaaring makuha ng mga ito paglaki nila.
SCREEN TIME. ‘Yung tipong siyesta time, pero kapag may anak na nangailangan, to the rescue si nanay hanggang sa mawalan na siya ng time sa pagso-social media dahil mas inuna niya ang kanyang anak kahit pa malalaki na sila.
RUNAWAY HOBBIES. Siyempre, noong dalaga pa si nanay, nagkaroon din sila ng hobbies, pero dahil nag-level-up na ang kanilang responsibilities, maging ang mga ito ay ginive-up na nila dahil iba na ang kanilang priority sa buhay ngayon.
WANTS. Make-up, pagpapa-salon at iba pa, ilan lang ‘yan sa mga bagay na gusto ng mga nanay, pero dahil mas inuuna nila ang needs sa bahay, dedma na kung magmukhang losyang basta may maipakain lang sa kanilang pamilya.
GROWN-UP THINGS. Ito ‘yung mga issue na hindi dapat nalalaman ng kanilang mga anak kaya kahit na nahihirapan na sila sa problema, eh, pilit pa rin nilang kinakaya nang sa gayun ay hindi mag-alala ang kanilang pamilya.
Oh, ayan, ngayong alam na natin ang ilan sa mga naisakripisyo ni nanay, it’s time para bumawi tayo sa kanila, pero hindi lang tuwing Mother’s Day, ha?
Say thank you kapag may ginagawa sila para atin. Copy?





Comments