top of page
Bea Alonzo - IG.jpg

Make sure na game ang lahat ng inyong kapitbahay, besh! TIPS PARA SA MASAYA AT MEMORABLE NA FieSTA!

Donna Thea Topacio
May 3, 2019
1 min read

HAPPY fiesta! Ooops, sample pa lang ‘yan dahil knows nating may mga dehins pa nakapagpaplano kung paano ipagdiriwang ang fiesta ngayong moderno na ang panahon. Don’t worry, narito ang ilang tips na sana ay makatulong sa inyo upang maging masaya ang fiesta sa inyong barangay:

1. JOIN CONTEST. Kung bet talaga ninyong ma-feel ang vibe ng fiesta sa inyong barangay, eh, sumali kayo sa mga contest o liga para masulit ninyo ang bakasyon. Malay ninyo, manalo kayo at magkaroon pa kayo ng cash prize na pandagdag sa tuition fee. Ganern!

2. SET A BUDGET. Sa mga may program sa kanilang kalye, make sure na magse-set kayo ng budget nang sa gayun ay hindi kayo magipit, lalo na ngayong mahirap na ang buhay. Charot!

3. GATHER YOUR COMMUNITY. Kung planado na ang inyong binabalak na program, dapat alam din ito ng inyong mga kapitbahay nang sa gayun ay makapag-contribute rin sila kahit sa maliit na paraan.

4. HAVE A BOODLE FIGHT. Oks kung ang paraan ng pagkain ay boodle fight na malakas talagang maka-fiesta vibe dahil salu-salo ang lahat nang magkakaharap. Astig, ‘di ba?

5. PARTICIPATE. Sa araw ng fiesta, dehins puwede ang KJ (killjoy)! Minsan na nga lang sa isang taon, tapos, magmumukmok pa kayo sa loob ng bahay. Kaloka! Ipagpaliban muna ninyo ang panonood ng TV o pagso-social media. Okie?

Sa totoo lang, ibang-iba na ang fiesta ngayon hindi tulad ng dati na sobrang saya at maingay, pero dahil may paraan naman para manumbalik ito, gawa-gawa rin ng way, mga beshy!

Gets mo?

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page