top of page
Pokwang.jpg

Babala ng experts…OVERSLEEPING, PRONE SA PAGKAKAROON NG DEPRESYON!

Jersey Sanchez
May 2, 2019
2 min read

Dahil sa nakai-stress na buhay at naka­papagod na pagtugon sa mga responsibilidad, marami sa atin ang naghahangad ng kumpletong tulog dahil isa itong paraan ng pagpapahinga. Wala namang masama sa pagtulog kung ito ang paraan para maka-recover ang ating kata­wan. Gayunman, ‘ika nga nila, ang sobra ay nakasasa­ma. Mga besh, alam ba ninyo na ang labis na pagtulog ay may kaugna­yan sa depresyon? Hmmm…

Ayon sa mga eksper­to, ang pag-o-oversleep ay senyales ng disordered sleep kung saan konektado ito sa mental health issue tulad ng depresyon.

Gayundin, senyales ito na hindi maganda ang kalidad ng tulog na nakukuha ng indibidwal at clinical sleep disorder tulad ng obstructive sleep apnea o narcolepsy.

Ang labis at kakulangan sa pagtulog ay may parehong epekto sa kalusugan tulad ng heart disease, metabolic problems kabilang ang diabetes at obesity, gayundin ang cognitive issues tulad ng pagiging makakali­mutin.

Bagama’t, madalas na binibig­yang-babala ang mga taong kulang sa tulog, ayon sa mga eksperto, hindi dapat ipagsawalambahala ang labis na pagtulog o oversleeping.

Ayon sa mga eksperto, ang “hypersomnia” ay counterpart ng insomnia kung saan ang ilan sa mga sintomas nito ay ang pagtulog ng labis sa pito hanggang walong oras, hirap na paggising sa umaga kahit may alarm at hirap sa pagko-concentrate.

Sa mga teenager at young adult, ang pag-o-oversleep ay senyales ng depresyon kung saan 40% ng mga indibidwal na nasa edad 30 pababa na mayroong depresyon ay nakararanas ng hypersomnia.

Bukod pa rito, ang oversleeping ay hindi lamang ma­dalas nararanasan ng teenager na mayroong depresyon kundi maging ng mga nakatatanda rin. Ayon sa mga dalubhasa, mara­ming nakatatanda ang nakarara­nas ng hyperinsomnia dahil sa depresyon, partikular sa kababai­han na nag-o-oversleep at labis na pagkapagod sa buong araw.

Kaya sa mga ‘tulog is life’ riyan, hinay-hinay lang sa pagtulog dahil baka ang akala nating paraan lamang ng pagre-relax, eh, may nagagawa nang masama sa ating mental health.

Para siguradong maiingatan natin ang ating kalusugan, mabuting magpahinga kaagad kung napapagod.

Copy?

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page