Hindi mo na need gumastos o umalis pa, lodi! 6 WAYS PARA MAKAPAG-UNWIND SA LOOB NG BAHAY

ILANG buwan na ang lumipas, kaya for sure, marami na riyan ang gustong mag-unwind mula sa nakai-stress na school works o trabaho. ‘Yung iba, gustong magwalwal, mag-travel at iba pa. Pero, knows ba ninyo na keri ninyong mag-unwind kahit nasa bahay lang? Narito ang iba’t ibang paraan ng pag-a-unwind na puwedeng-puwede ninyong gawin:
1.WORK OUT. Hindi kailangang maging “extreme”, lodi! Ang simpleng pagtakbo o paglakad sa loob ng ilang minuto ay may magandang maidudulot para ma-unwind ang iyong isipan. Gayundin, good ito sa inyong immune system. Wow!
2.LISTEN TO MUSIC. Noon pa man, ito na ang pinaka-convenient at sikat na paraan para mag-unwind dahil madali itong gawin. Gayundin, naihahalintulad ng indibidwal ang kanyang nararamdaman sa pamamagitan ng musikang pinakikinggan niya. Ihanda n’yo na ang paborito ninyong playlist, mga beshy!
3.TAKE A HOT SHOWER. Tested and proven na ito, beshy! ‘Yung iba, eh, ginagawa ito sa gabi pagkatapos nang mahaba at nakapapagod na araw sa trabaho o paaralan. Ang mainit na tubig mula sa shower ay nakatutulong upang ma-relax ang mga muscle mo.
4.CUDDLE WITH YOUR PETS. Kung pet lover at ‘fur’ parent ka, siguradong perfect ito para sa iyo. Ayon sa pag-aaral, ang pakikipag-cuddle sa alagang hayop o fur baby ay nakatutulong upang ma-relax at maging kalmado ang indibidwal.
5.EAT YOUR FAVORITE FOOD. For sure, mayroon kang “comfort food” kung saan ito ang hinahanap-hanap mo sa tuwing stressed o malungkot ka. Ito rin ang tinatawag na ‘stress eating’. Pero, hinay-hinay lang sa pagkain, ha? He-he-he!
6.HAVE A GOOD CRY. Akala ng iba, kapag umiyak ka, eh, mahina ka na. Pero, ayon sa pag-aaral, ang pag-iyak ay magandang paraan para ma-release ang emosyon kung saan napababalik nito sa neutral state ang iyong nararamdaman. Kaya kung feeling mo, eh, kailangan mong umiyak, go lang, besh!
Oh ayan, mga bro at sis, kung feeling ninyo, eh, punumpuno na ang isipan ninyo ng trabaho o gawain, try na ninyo ang mga paraan na ito. For sure, mayroon kayong gustong gawin sa mga nabanggit sa itaas.
Have a stress-free life, beshy!
Gets mo?





Comments