top of page

Shoutout sa mga gusto ng magbagong-buhay diyan... TIPS PARA MAGING MABUTING EMPLEYADO

  • Jersey Sanchez
  • Apr 24, 2019
  • 2 min read

BAKASYON is over! For sure, may mga beshy tayo riyan na magsisimula na sa kanilang first job at mayroon ding mga gus­tong magbagong-buhay. Hmmm… upang maging mabuting empleyado, na­rito ang ilang kaugalian na dapat nating makasa­nayang gawin, araw-araw:

1. BE ON TIME. Bu­kod sa honesty, punctua­lity is the best policy, beshy! Ang pagpasok sa trabaho nang maaga o on time ay nagpa­pakita na ikaw ay disipli­nado, masipag at may interes sa iyong trabaho.

2. BE CONSIDE­RATE. Kung gusto nating maging considerate ang mga tao sa iyo, partikular sa work place, dapat ay ganundin tayo sa iba. May ilang kumpanya na hinahayaan lang ang mga empleyado na makinig ng music habang nagtatrabaho dahil nakatutulong ito sa kanilang productivity. Kung may workmates kang hindi kayang mag-function nang maingay sa paligid, kailangan mo ring maging considerate sa kanila at mabuting guma­mit na lamang ng earphones. Copy?

3. HAVE AN INITIA­TIVE. Aminin man natin o hindi, nakasanayan nating mga Pinoy na hindi pansinin ang maliliit na bagay kapag alam nating may ibang ga­gawa nito. Kabilang na rito ang pagpatay ng ilaw sa CR kapag ikaw ang huling luma­bas o pagtatapon ng nakita mong kalat. Ang paggawa ng maliliit na bagay na ito ay mayroong malaking tulong sa kumpanya.

4. CLEAN WOR­KING AREA. Kabilang sa importante at magandang makaugalian ng empleyado ang pagiging malinis, hindi lang sa sarili kundi sa kanyang paligid. Gayundin, nakatutu­long ang malinis na paligid sa pagtatrabaho dahil nakapag­bibigay ito ng ‘peaceful’ vibe. Kung may naglilinis sa opi­sina ninyo, oks ‘yun, pero mas okay kung ikaw ang maglilinis ng ‘personal’ space mo sa workplace.

5. OBEY RULES. Ka­hit saan tayo magpunta, may­roong rules and regulations na ginawa hindi la­mang para basa­hin kundi para sundin. Ang pag­sunod sa mga ito ay pagpapakita ng respeto sa kumpanya at di­siplina sa sarili. Bagama’t, maraming nagsasabi na “your work­place is your second home”, hindi ibig sa­bihin nito ay puwede na­ting dalhin dito ang mga bagay na nakasa­nayan natin sa bahay. Copy?

6. DON’T ABUSE FREE RESOURCES. Hindi lahat ng kumpanya ay mayroong libreng kape, tu­big, bathroom tissue at iba pa. Kung mayroon ang mga ito sa kumpanyang pinagta­trabahuhan mo, huwag mo itong sayangin at ga­mitin ito nang tama dahil hindi mo pera ang ipi­nambili sa mga ito.

7. SAY ‘THANK YOU’. Ang pag­papasalamat sa mga tao sa loob at labas ng kum­panya ay nagpapakita ng res­peto at paggalang sa mga taong tumulong sa iyo. Ga­yundin, magandang pa­raan ito para magpakalat ng po­sitivity at manghikayat na gu­mawa ng ‘good act’ sa ba­wat isa.

8. BE RESPECTFUL. Huwag piliin ang mga taong rerespetuhin sa loob ng kum­panya. Mabuting igalang ang bawat isa nang hindi na­kadepende sa kanilang po­sisyon sa kumpanya.

Oh, ayan mga besh, si­guradong magiging mabu­ting empleyado kayo kung ga­gawin ninyo ang ilang tips na ito.

Kung may mga kaki­lala kayong magsisimula na sa kanilang trabaho at gus­tong magbagong-buhay, make sure na ibabahagi ninyo sa kanila ang mga ito, ha?

Gets mo?

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page