Kaya sa mga madalas pumitas diyan sa kapitbahay, read n’yo ‘to! ARATILES, KERING MAGING PAIN RELIEVE
- Donna Thea Topacio
- Apr 10, 2019
- 2 min read

NOON, usung-uso ang pamimitas ng aratiles lalo na kung ito ay matamis, ‘yung tipong kahit dehins natin knows ang benepisyo nito sa ating katawan, eh, sige pa rin tayo sa pagkain. Ha-ha-ha! ‘Yun lang! Kaya naman para sa kaalaman ng lahat, alam ba ninyo na ang aratiles ay maganda sa puso, gayundin ito ay nakapagpapagaling ng iba’t ibang sakit? Woah, amazing!
Sa pag-aaral, sinasabing kung dumaranas kayo ng chronic pain, gout o arthritis, mainam kung isasama ninyo sa inyong daily meal ang pagkain ng aratiles, ito ay dahil sa antinociceptive property na tinataglay nito na nakaba-block ng sensing pain sa ating nerves.
Gayunman, keri rin nitong i-reduce ang inflammation sa ating katawan at kaya nitong protektahan ang ating puso sa pamamagitan ng antioxidant at fiber na mayroon ito.
Dagdag pa rito, kung mayroon kayong high blood pressure, mainam kung kakain kayo ng aratiles dahil epektibo itong makapagpababa ng blood pressure. Ito ay dahil ang nitric oxide na mayroon ang nasabing prutas ay kayang maka-expand ng blood vessels kung saan mai-improve nito ang daloy ng dugo. Oh, ‘di ba, bongga?
Samantala, ang pagkakaroon ng unhealthy lifestyle ay prone sa iba’t ibang sakit tulad ng gastric ulcer na nagbibigay ng sintomas ng belching, heartburn, indigestion, nausea, passing excessive amount of gas at vomitting kung saan sa oras na kumain kayo ng aratiles dahil sa anti-inflammatory at antimicrobial properties na taglay nito, kaya nitong ma-prevent ang harmful bacteria na naninirahan sa ating tiyan kung saan mapagagaling nito ang ating digestive issues.
Maliban pa rito, kung medyo mahina ang inyong resistensiya, makatutulong ang aratiles para i-boost ang inyong immunity kung saan hindi kaagad kayo kakapitan ng virus tulad ng sipon, ubo, trangkaso at iba pang impeksiyon.
Gayundin, dahil patok ngayon ang matatamis na pagkain, lalo na sa mga kabataan, ang aratiles ay nagkokontamina ng anti-diabetic substances tulad ng ascorbic acid, fiber, beta-carotene, riboflavin, thiamine at niacin na nagma-manage sa ating sugar level.
Kaya naman sa mga mayroon pang tanim na aratiles diyan, make sure na hindi ninyo ito pababayaan dahil nakapanghihinayang.
Minsan, kung ano pa ‘yung may halaga, ‘yun pa ‘yung dehins inaalagaan, hugot!
Gets mo?




Comments