Ayon sa mga eksperto… SIBUYAS, MANSANAS AT PATATAS, MAGKAKAPAREHO NG LASA!

ALAM mo ba na kapag kumain ka ng mansanas ay para ka na ring kumain ng sibuyas at patatas? Totoo ba ito?
Ayon sa mga eksperto, ang sibuyas, mansanas at patatas ay pare-pareho lang ng lasa kung iba-block ang ating sense of smell.
Sa pamamagitan ng eksperimento, naglagay ang mga eksperto ng nose plug upang i-block ang kanilang sense of smell at tinakpan nila ang kanilang mga mata upang hindi nila makita kung ano ang tinitikman nila sa tatlo — sibuyas, mansanas at patatas.
Pinatunayan ng eksperimentasyong ito na hindi lamang ang dila at taste buds ang responsable sa ating panlasa o sense of taste. Walumpung porsiyento ng ating sense of taste ang nakadepende sa ating sense of smell o pang-amoy.
Ang smell sensor at taste buds ng tao ay magkaagapay sa pag-a-activate sa ating utak kung ano ang ating kinakain o tinitikman.
Ito ang dahilan kung bakit nawawalan tayo ng panlasa sa tuwing tayo ay nagkakasakit o nagkakaroon ng malubhang sipon o ubo.
‘Yung tipong, kahit na wala ka namang problema sa dila o panlasa, hindi mo malasahan ang pagkain sapagkat hindi gumagana ang iyong pang-amoy.
Oh, ayan mga ‘tol, kung duda kayo, puwede rin ninyong subukan ang eksperimentasyong ginawa nila! Siguro, simula ngayon iibahin na ninyo ang inyong paniniwala kung saan sasabihin ninyo ang mga katagang “smell it to believe it.” He-he-he!
Gets n’yo?





Comments