top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

Watch out sa mga sissy natin diyan na masyadong biniyayaan...   PAGSUSUOT NG HINDI MAGANDANG BRA, PR

  • Toyang
  • Apr 4, 2019
  • 2 min read

MADALAS ay na­giging pamana ang mga bra para sa kababaihan, ito ay dahil ‘yung iba, nag­titipid ng bumili ng bago dahil alam nilang masasayang lang ito kung hindi pakiki­na­bangan ng iba. ‘Yun nga lang, hindi naman tayo pare-pareho ng su­kat, ‘yung iba mas­ya­dong biniyayaan, mayroon din na­mang sakto lang at waley talaga. He-he-he! Gayunman, knows ba ninyo na ang pagsusuot ng hindi maganda o maling sukat ng bra ay prone sa headache? Talaga ba?

Sa pag-aaral, sina­bi ng mga da­lubhasa na alam nating lahat na ang pagsusuot ng ma­ling bra ay maaaring magdulot ng panga­nib sa buhay ng kababaihan, ngunit, 4 sa 5 ang patuloy pa ring ginagawa ang bagay na ito.

Ayon sa mga eks­perto, bukod sa pa­ngit tingnan ang pagsusuot ng maling bra, masama rin ito sa kalusugan.

Ito ay dahil ang pagiging strain at stress ng ating kata­wan ay maaaring magresulta ng back- pain, stiffness in the neck at headache.

Sa katunayan, 6 sa 10 kababaihan ang nakaranas na ng problema sa hindi pagsusuot ng ta­mang sukat ng bra ito ay dahil inaakala nila na mula noon hang­gang ngayon ay iisa lamang ang sukat ng kanilang hinaharap.

Kaya ang payo ng mga eksperto, huwag mag-settle sa kasalu­kuyang sukat ng bra dahil nag-iiba-iba ito kaya kailangan na­ting magkaroon ng regular fitting. Gets mo?

Oh, for sure, yung mga flat chested diyan, eh, nabuha­yan ng loob. Ayiiee! Oks lang ‘yan dahil malay natin, hindi pa huli ang lahat! Cha­rot!

Samantala, ‘ika nga, huwag ninyong ipilit ang hindi kaya dahil baka masakal ka, mainam na mag­suot ng komportable para makahinga ka­yo nang maluwag at tumaas ang inyong confidence.

Kung wala na­mang budget at uma­asa sa pamana, make sure na makapipili kayo ng maganda. Okidoki?

Ngayong alam na natin na may masa­ma pala itong epekto sa ating kalusugan, make sure na mag­kakaroon na tayo ng pakialam, hindi lang sa ating pisikal na kaanyuan kundi ma­ging sa maaari nating maranasan na hindi maganda.

Mukha itong sim­pleng problema, pero posible itong lumaki kung mapababaya­an.

Copy?

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page