top of page

Bukod sa pag-iwas sa mga toxic, besh! TIPS PARA MAKONTROL ANG TEMPER, ALAMIN!

  • Justine Daguno
  • Apr 4, 2019
  • 3 min read

NAGKALAT na ang toxic sa paligid — sa pampublikong sasakyan at lansa­ngan, workplace, so­cial media at ma­ra­mi pang iba. Sabi nga, “ang pikon ay palaging talo”, kaya kung hindi natin kayang makontrol ang pagsabog ng ating emosyon, naku, tayo lang ang mai-stress. Kaya ba­go pa maging ka­sing init ng “summer season” ang ating ulo, eh, narito ang ilang tips para ma­tutunan nating ma­kontrol ang ating temper:

1. THINK BEFORE YOU SPEAK. Sa ma­init na sitwasyon, ang pag-iisip bago magsalita ang isa sa pinakaepektibong pa­raan para wala tayong pag­si­sihan sa huli. Makabu­buti kung bibigyan natin ang ating sarili ng kaunting pa­nahon para mapag-isipan ang mga salita na ating iba­bato sa ating ka­diskurso. Gets mo?

2. ONCE YOU’RE CALM, EXPRESS YOUR ANGER. Hangga’t kaya nating makapag-isip ng ma­linaw, magsalita tayo nang ma­hinahon o hindi pa­galit, kumbaga, sasagot tayo o ipaliliwanag natin ang ating side ng malinaw at direkta, pero hindi pabalang o bastos.

3. GET SOME EXER­CISE. Ayon sa ilang pag-a­aral, ang physical activity ay nakatutulong para maba­wa­san ang stress na pangu­na­hing dahilan ng pagiging ma­initin ng ulo ng indibidwal. Kaya tulad ng madalas na ipinapayo sa atin, dapat mag­karoon tayo ng time sa pag-eehersisyo dahil hindi lang nito napalalakas ang ating pisikal na kalusugan kundi maging sa emosyunal na aspeto, ‘ika nga, “galaw-galaw, baka ma-stroke”, he-he-he!

4. TAKE A TIMEOUT. Ang “timeout” ay hindi lang para sa mga batang nagla­laro. Tandaan na kailangan ninuman ng “break” sa pag­kakataon na sobrang stress na tayo. Kapag napansin natin na mabilis na tayong magalit o mairita o ‘yung feeling “highblood” palagi. Naku, dapat humanap na tayo ng pagkakataon para makapag-chill o unwind nang sa gayun ay hindi ma­ipon ang ating sama ng loob at makapag-function ulit tayo ng maaayos sa mga susunod na working days natin, okidoki?

5. IDENTIFY POS­SIBLE SOLUTIONS. Imbes na mag-focus sa da­hilan ng ikinagagalit o iki­naiirita natin, bakit hindi na lang tayo mag-focus sa ba­gay na makapag-aalis ng hassle sa sitwasyon? Halim­bawa, madalas tayong ma-stress sa makalat na bahay o tambak na hugasin, imbes na mainis o pagalitan ang mga taong naiwan sa bahay, eh, bakit hindi na lang tayo ang magligpit? Malay mo tablan sila at next time, eh, magkusa na sila.

6. DON’T HOLD A GRUDGE. Kahit hindi ga­nu’n kadaling gawin ang pag­pa­patawad ang isa sa pinaka-powerful na bagay sa earth. Hayaan natin ang ating sarili na magpatawad kahit hindi pa sila humingi ng “sorry”. Tandaan na huwag nating ha­yaan na tuluyan tayong ma­kain ng galit natin dahil hin­di naman ito nakagagan­da at siyempre, para happy-hap­py lang ang lahat, ganern!

7. USE HUMOR TO RELEASE TENSION. Mas oks siguro kung idara­­an na lang natin sa joke o ngiti ang galit natin. Sa totoo lang, hindi naman ito pama­mamlastik kundi way lang ito para hindi tuluyang mag-init ang usapan. Gayunman, dapat iwasan natin ang pa­giging sarcasm, mahirap na dahil hindi naman lahat ng nakasasalamuha natin ay mayroong malawak at ma­lalim na pang-unawa at baka hindi nila masakyan at mas lalo lang lumala ang sitwas­yon. Okay?

8. KNOW WHEN TO SEEK HELP. Sobrang na­pakahirap matutunan kung paano natin makokontrol ang init ng ating ulo. Humingi tayo ng tulong sa mga eks­perto o sinumang tao na sa palagay natin ay mas nakaki­kilala sa atin. Mabuti ito para mabigyan nila tayo ng nara­rapat na payo nang sa gayun ay maiwasan nating maka­sakit ng ibang tao.

Hindi masama ang ma­galit dahil tao lang tayo na tulad ng “summer season”, hindi natin maiiwasan ang maging mainit sa bawat sit­wasyon. Hangga’t maaari ay chill lang tayo, tandaan natin na ang pagiging kalmado ay susi para hindi mapikon at matalo.

Kaya naman, imbes na sabayan ng init ng ulo ang hot­ness ng pahanon, eh, keep calm and enjoy the sea­son nalang, mga ka-BUL­GAR!

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page