Sey ng experts... PAG-INOM NG TUBIG SA UMAGA, GOOD SA HEALTH!
- DONNABELLS
- Apr 2, 2019
- 1 min read

NAKASANAYAN mo bang uminom ng tubig sa umaga, besh? Good ‘yan, dahil ayon sa mga eksperto, ang paraang ito ay maaaring makapagtanggal ng toxins sa ating katawan at makaganda ng metabolismo.
Sa pag-aaral, sinabi ng mga dalubhasa na ang pag-inom ng tubig sa umaga ay nakagaganda ng metabolism dahil kaya nitong tunawin ng 24% ang mga kinain natin sa loob ng 90 minuto.
Dagdag pa rito, nagiging dehydrated tayo sa tuwing natutulog tayo kaya dapat talagang umiinom tayo ng tubig pagkagising.
Gayunman, ang tubig ay may kakayahang i-flush ang toxins natin sa katawan at ayon kay Kenneth Ellner, Atlanta-based dermatologist, ang pagkakaroon ng fluids sa umaga ay nakatutulong upang gumanda ang ating kalusugan at maalis ang mga hindi kanais-nais na karamdaman.
Samantala, ang hindi pag-inom ng tubig sa umaga ay nakapagpapawala ng magandang mood dahil kailangan ng ating brain tissue ng 75 porsiyento ng tubig.
Siyempre, bukod sa tinatanggal nito ang mga dumi sa katawan na sa pamamagitan ng ganitong paraan, maaari tayong makapagbawas ng timbang dahil sa pag-aaral, ang pag-inom ng tubig bago kumain ay nakatutulong upang mabusog tayo kaagad kaya ang resulta, eh, hindi na tayo kakain pa ng marami. Naks!
Kaya mainam, kung gagawin ito hindi lang sa umaga kundi tuwing kakain ng meal. Gets mo?
Kaya, mga beshy, para maiwasan ang dehydration, bloating, obesity, make sure na iinom tayo ng tubig every morning, ha?
Have a good health, mga beshy!
Copy?





Comments