Shoutout sa mga completer diyan, read n‘yo ‘to! TIPS PARA SA TAMANG PAGPILI NG ESKUWELAHAN NA PAPASU
- DONNABELLS
- Mar 31, 2019
- 2 min read

ANG pamimili ng eskuwelahan na papasukan ay sadyang nakai-stress at matrabaho. Dagdag pa rito, sa dami ng eskuwelahan sa mundo, hindi ka makapili dahil para sa iyo, lahat ay maganda lalo na kung afford mo. Kaya naman para sa mga beshy natin diyan na kaga-graduate lang, pero busy na sa paghahanap ng school na papasukan, narito ang ilang tips para sa inyo:
1. RUSHING THE PROCESS. Ang paghahanap ng tamang eskuwelahan na papasukan ay pinaglalaanan dapat ng oras at effort para hindi ka magsisi at mawalan ng ganang mag-aral dahil aminin man natin o hindi, isa ito sa mga factor kung bakit mas namo-motivate ang mga estudyante.
2. BEING A FOLLOWER. Hindi maiiwasan na mag-enroll sa school kung saan nandu’n ang kaibigan, dyowa at mga kakilala mo, sa totoo lang, mukhang maganda ito, pero kung dito lang ninyo ibabase ang pag-e-enroll ninyo, mainam kung sa iba na lang kayo. Gets mo?
3. THE LEGACY LURE. Aware tayo sa sinasabi ng lahat na “honor thy father and mother”. Pero, hindi naman porke nag-aral ang mga magulang ninyo sa partikular na eskuwelahan, eh, du’n na rin kayo. Why not try something new, para unique kayo. Ganern!
4. YOU’RE A DIE-HARD FAN. Lahat tayo ay may gustong team pagdating sa sports, pero hindi ibig sabihin nito ay ‘yun na ang tamang eskuwelahan na babagay sa iyo. Mainam pa rin kung ang magiging priority mo ay academics at hindi extra curicullar activities.
5. LOCATION, LOCATION, LOCATION. Of course, dapat ‘yung location, eh, iisipin din dahil isa ito sa factor kung bakit may mga estudyanteng tinatamad. Make sure na makatarungan ang layo ng biyahe mo, besh, nang sa gayun ay hindi ka ma-haggard at ma-stress.
6. WORTH IT THE MONEY. Hindi madali ang magpaaral ngayon, kaya kung pipili kayo ng eskuwelahan na papasukan, make sure na worth it ‘yung perang ibabayad ninyo. Tandaan, ang pag-aaral ay hindi puro saya lang, isipin din natin na dapat mayroon tayong natututunan.
7. PUSHY PARENTS. Huwag kayong magpapapilit sa magulang ninyo kung saan nila kayo gustong mag-aral.
Dapat kayo ang masusunod at magdedesisyon dahil at the end of the day, kayo ang estudyante at hindi sila, gayundin sa pagpili ng kurso. Okie?
Kaya para sa mga beshy natin diyan na hanggang ngayon ay hindi pa nakapade-decide, bilis-bilisan ninyo dahil kaunting kembot na lang ay enroll-an na. Char!
Have a wise decision, mga beshy!
Copy?





Comments