top of page
Machong Chismisan - YT.jpg

Minsan daw, kailangan din nating mag-relax... 5 REASONS KUNG BAKIT TAYO TINATAMAD

Donna Thea Topacio
Mar 27, 2019
1 min read

LAHAT tayo ay dumarating sa punto na tinatamad tayo sa buhay. ‘Yung tipong na­kahiga ka lang, pero tamad na tamad kang kumilos. Pero, bakit nga ba natin ito na­raramdaman? Alamin natin ang mga da­hilan kung bakit karamihan sa atin ay tamad.

1. DISTRACTION. For sure, may nanggugulo sa iyong isipan kaya ka tinatamad. Puwedeng problema sa pamilya, pag-ibig at mga kaibigan. Dagdag pa ang problema sa pera na nakawawalang gana talaga! Hays!

2. POOR LIFESTYLE CHOICES. Nakatata­­mad talaga kapag puro social media o panonood na lang ng TV ang ginawa mo buong araw, for sure, tatama­rin ka talaga dahil nasanay ka na pa-chill-chill lang. ‘Yun lang!

3. EXHAUSTION. Dahil tao lang tayo, panigura­dong mapapagod tayo at dahil du’n tatamarin na tayong kumilos, umalis, magsalita, maligo, kumain at marami pang iba.

4. LACK OF SELF-WORTH. Kung hindi mo pinahahalagahan ang sarili mo, malamang na tamarin ka talagang mabuhay sa mundo kung saan wala ka ng pakialam sa mukha, amoy o kalagayan mo.

5. LACK OF MOTIVATION. Lahat ng tao ay may motivation para mabuhay, ‘yung iba dahil gustong uma­senso, pero mayroon din namang kahit gusto, eh, nawa­walan ng gana dahil pakiramdam nila ay kulang pa ito.

Oh, ayan, mga beshy, oks lang maging tamad pa­minsan-minsan, pero make sure na mas lamang ang pagiging masipag mo dahil kapag ipinairal at isinabu­­hay mo ang pagiging tamad, baka masira ang buhay ninyo. ‘Yun lang!

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page