top of page
BULGARY - SEN. ROBIN, MAY P150 M AMBAG SA PHIL. FILM HERITAGE, BUILDING ‘DI PA RIN NATAPOS

For sure, marami sa atin ang nagtitipid ngayon... MGA PANGKARANIWANG EKSENA TUWING PETSA DE-PELIGRO

  • Jersey Sanchez
  • Mar 27, 2019
  • 2 min read

FOR sure, mara­mi riyan ang kasa­lukuyang dumara­nas ng petsa de-pe­ligro dahil ilang araw pa bago ang suweldo. Agree? Ito ‘yung mga pana­hong lumalabas ang ating mga talent sa pagba-budget, pag­ti­ti­pid at pagiging re­sourceful para ma­ka-survive hang­gang sa suweldo. Pero, para maiwa­san ang pagka-stress dahil sa nau­ubos na budget, na­rito ang mga naka­tatawang bagay na ginagawa natin tuwing petsa de- peligro:

1. SHARING IS CARING. Dahil hindi lang ikaw ang nakararanas ng petsa de-peligro sa opi­sina, lahat ng puwedeng pag­hatian ay hahatiin ninyo ng mga katrabaho mo. Kung minsan pa, eh, nakatoka kung sino ang magdadala ng ulam at kanin. Agree?

2. FRIENDS WITH BENEFITS. Mas kilala sila sa bansag na ‘buraot’. Sa pag­kakataong ito, dumarami rin ‘yung mga kaibigan niya sa opisina para mabusog siya sa lunch. ‘Yung tipong lahat ng puwede niyang hi­ngin, eh, talagang hihingin para lang makakain. Ganern!

3. WALKATHON. Pass muna sa pagta-tricycle o jeep para mas mabilis na makarating sa opisina at ba­hay, kaya ang mga dating hin­di naglalakad ay makikita mong nagtitiyagang magla­kad para lang makatipid kahit maliit na halaga. Tipid pa more!

4. DIET MODE ON. Minsan, kape at biskuwit, cup noodles at oatmeal, pero mas madalas ay tubig a.k.a. water therapy ang meryen­da. Sinasabi nilang nagda-diet sila pero ang to­too, nag­titipid talaga para umabot ang allowance hang­gang sa suweldo. Ha-ha-ha!

5. CANNED GOODS FOR LUNCH. Daan muna sa sari-sari o conve­nience store para bumili ng mga ulam na naka-de-lata. Minsan, daig mo pa ‘yung binigyan ng relief goods da­hil sa dami mong de-lata na inihanda para sa petsa de-peligro. Tiis-tiis muna sa de-lata at ‘pag nakasuweldo na, feeling Donya ka na ulit!

6. PARENTS ARE THE KEY. Puwede rin itong tawaging ‘Sagip Kapa­milya’— ‘yung tipong bigla kang natutong manlambing sa mga magulang mo dahil walang ibang magpapautang sa’yo kundi sila lang. May iba pa riyan na hindi na ibi­nabalik kina mama at papa ang inutang. Shhh…

7. INSPECTION TIME. Lumalabas ang iyong inner-kalkalera dahil lahat ng bulsa ng bag at wallet mo ay sinilip mo na para maghanap ng mga barya na puwedeng pama­sahe. Uy, aminin! Ha-ha-ha!

Ngayong petsa de-pe­ligro, dehins natin kailangang ma-stress sa pagba-budget ng natitirang allowance na­tin dahil dito rin nasusubok ang pagiging madiskarte na­tin. Pero remember, mabu­ting budget-in ang suweldo nang sa gayun ay hindi ma-short at datnan ng nakai-stress na petsa de-peligro.

Copy?

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page