top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Sey ng experts... DEVICE NA KERING MAKATULONG PARA MAKAPAG-BREASTFEED SI DADDY, PATOK!

  • Jersey Sanchez
  • Mar 24, 2019
  • 2 min read

SA panahon ngayon, maraming ma­gulang ang pinipiling magpa-breastfeed sa kanilang mga bagong silang na anak dahil sa iba’t ibang benepisyo nito sa ka­lusugan ng sanggol, gayundin sa pinan­siyal. Sa ganitong paraan ay hindi ga­anong involved ang mga ama, kaya isang kumpanya ang gumawa ng device na makatutulong para makapagpa-breastfeed din si daddy.

Weh, ‘di nga?

Na-developed ng Japanese company ang na­bang­git na device kung saan hindi na kailangang mam­roblema ng mga tatay sa pagpapa-breast­feed sa kani­lang mga anak dahil keri na nila itong gawin.

Kamakailan, ini-launch ng kumpanyang Dentsu ang device para sa kalalakihan na gustong tumulong sa kanilang mga asawa, partikular sa pagpapakain sa mga anak na sanggol.

Ayon sa pag-aaral, ang parental stress at hirap sa pag-aalaga ng sanggol ay may kaugnayan sa pagtulog at pagpapakain kung saan dito mababa ang partisi­pasyon ng mga ama.

Dahil dito, upang maging involved at mas ma­katu­long ang mga tatay sa bagay na ito, binuo ng Dentsu ang wearable milk o formula tank na may kaparehong hulma ng dibdib ng ina kung saan ito ang makatutulong sa mga ama upang magpa-breastfeed ng sanggol.

Ayon sa Dentsu, layunin ng device na bawasan ang nakasanayang gawain ng mga ina, gayundin ang pagkakaroon ng father and child connection sa pama­magitan ng pagpapa-breastfeed ng ama.

Ang device ay tinawag na Father’s Nursing As­sis­tant, ang breast-shaped ang nagsisilbing housing ng gatas o formula tank na mayroong silicone nipple. Gayundin, umiinit ang device upang mai-stimulate ang warmth ng katawan ng ina kung saan naka­tutulong ito sa pagpapatulog sa sanggol.

Samantala, bukod sa pagiging breast-shaped milk tank, nagba-vibrate ito upang makatulong sa pagpa­patulog, gayundin na mayroon itong sensor na naka­pagta-track sa breastfeeding at sleeping behavior ng sanggol.

Maliban pa rito, ang data ay maaaring ma-export sa smartphone para makita ang datos sa application nito.

Wow, ang dami na talagang kayang gawin ng teknolohiya ngayon.

Isipin ninyo, maging ang bagay na tanging ina lamang ang nakagagawa dati, eh, keri na ring gawin ng mga ama.

Kaya para sa mga daddy diyan na gustong tulu­ngan si mommy sa pagpapakain kay baby, try n’yo na ‘to!

Copy?

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page