top of page

Kaya gising-gising para hindi mapagalitan ni boss, mga besh! TIPS PARA HINDI ANTUKIN NGAYONG PABAGU-

  • Donna Thea Topacio
  • Mar 15, 2019
  • 1 min read

ANTOK much ka ba, beshy kapag nasa work? Don’t worry, it’s a tie! Ha-ha-ha! Pero, dahil dehins naman tayo dapat na­tu­tulog tuwing nagtatrabaho, na­rito ang ilang paraan para hindi tayo antukin, lalo na ngayong pabagu-bago ang pa­na­hon na talagang nakati-trigger para makatulog tayo:

1. GET MOVING. Galaw-galaw din ‘pag may time para dehins ma-stroke. Sa pagta­trabaho, kailangan din nating mag-break o maglakad-lakad para ma-refresh ang ating utak o diwa. Sa pamamagitan nito, tiyak na ma­gigising kayo. Oha!

2. DRINK SOME WATER. Bukod sa mabuti ito para sa kalusugan, ang tubig ay may kakayahang gisingin ang ating na­tutulog na isipan. Sa katunayan, kahit wala ka­yong kinakain basta nakaiinom kayo ng tubig ay solve na! Gets mo?

3. UTILIZE PEPPERMINT OIL. Dehins lang nakatutulong ang peppermint oil sa masasakit na kasu-kasuan dahil na­katatanggal din ito ng antok dahil sa mint na mayroon ito. Wow, bongga, ‘di ba?

4. EAT A SNACK. Ooops! Totoo ito, pero mas mainam kung ang pipiliin nin­yong kainin, eh, ‘yung hindi naman puro junk foods, kumain din kayo ng prutas na nakare-refresh at nababagay sa mainit na panahon.

5. MAKE SOME FACE-TO-FACE CONTACT. Kaya importante na may kaibigan ka sa trabaho dahil isa sila sa mga dahilan para hindi kayo antukin, minsan, makipag-usap kayo sa kanila nang sa gayun ay makalimutan ninyo ang antok na inyong nararamdaman.

Make sure na hinay-hinay lang da­hil baka katsitsismis ninyo, eh, hindi na ninyo nagawa ang mga dapat ninyong gawin. Paktay!

Ngayong pabagu-bago ang panahon kung saan sobrang init, pero naka-aircon kayo sa trabaho dapat ay umiinom kayo ng vitamin para makaiwas kayo sa iba’t ibang klase ng sakit.

Stay healthy! Copy?

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page