Kaya dehins ninyo need na mag-emo riyan, besh! MGA DAHILAN KUNG BAKIT MAS MASAYANG MAGING SINGLE

MARAMI sa mga single riyan ang nape-pressure dahil malapit na silang dumating sa ‘ideal marrying age’ nila. Uy, aminin! Ha-ha-ha! Pero, mga bro at sis, siguradong dehins na kayo mape-pressure kapag nalaman ninyo ang ‘perks’ o benepisyo ng pagiging single. Kaya mga besh, sabay-sabay nating alamin kung gaano kasaya ang maging single:
1. IT GIVES YOU THE SPACE TO THINK. Maganda umanong pagkakataon ang pagiging single para mas makilala ang sarili kung saan ito ang dapat mong i-priority. Kapag in-enjoy mo ang pagiging single, matututo kang mag-let go sa iyong past, gayundin na may tsansa kang mag-explore ng mga bagong lugar at bagay.
2. SINGLE PEOPLE ARE HEALTHIER. Ayon sa pag-aaral, ang mga single ay mas nakapaglalaan ng oras para mag-ehersisyo kumpara sa mga may partner o asawa. Ito ay dahil mas kaunti ang commitment at mas maraming oras ang mga indibidwal na single.
3. YOU’RE BETTER AT KEEPING FRIENDS. Dahil mas kaunti ang kanilang commitment, mas attentive ang mga single sa kanilang social life at pamilya. Ayon sa mga eksperto, mayroon din silang malawak na pang-unawa kung saan ito ang dahilan para magkaroon sila ng mga kaibigan na itinuturing nilang kapatid. Wow!
4. CAN MEAN DOING BETTER AT WORK. Ayon sa mga eksperto, ang mga single na indibidwal ay mas nagpapahalaga at committed sa kanilang trabaho dahil hindi nila iniisip ang relasyon o commitment na kailangang i-maintain pagkatapos ng trabaho.
5. CAN BE LESS STRESSFUL. For sure, kapag may partner ang indibidwal, kailangan niyang gumawa ng paraan para mag-work ang kanilang relasyon, ngunit, ang pagiging single umano ay less stressful dahil hindi pressured ang indibidwal.
6. SINGLES ARE MORE SELF-SUFFICIENT. Sey ng experts, ang pagiging single ay iba sa pagiging mag-isa. Sa pagkakataong ito, matututo ang indibidwal na i-appreciate ang pag-iisa niya kung saan dito natututo ang indibidwal na maging self-sufficient. Maliban pa rito, mahihirapan umano ang indibidwal na maging self-sufficient kung hindi nito naranasang maging mag-isa.
Kaya mga besh, don’t worry kung single ka dahil hindi ito nangangahulugang walang nagmamahal sa iyo, bagkus, gamitin mo ang pagkakataong ito upang mas ma-appreciate ang mga bagay na mayroon ka.
Gets mo?





Comments