top of page
Pokwang.jpg

Para sa mga madalas na naka-night shift diyan, read n’yo ‘to, dali! PAGTATRABAHO SA GABI, BAD SA HEA

Writer: BULGAR
BULGAR
Mar 7, 2019
2 min read

SA panahon ngayon, maraming indibid­wal ang pinipiling kumu­ha ng night shift na trabaho dahil bu­kod sa mas malaki ang income, eh, pasok pa sa lifestyle nila. Pero, babala ng experts, ang pagtatra­ba­ho sa gabi, partiku­lar sa kababa­ihan ay may masa­mang epek­to sa kalu­sugan? Hala!

Ayon sa pag-aaral, ang mga babae na nagtatrabaho sa gabi o “night shift workers” ay may mataas na tsansa na mag-menopause nang maaga kumpara sa mga mayroong day jobs.

Sa loob ng 22 taon, inobserbahan ng mga researcher ang nasa 80,000 nurses na nagta­trabaho sa gabi o night shift workers. Napag-alaman ng mga researcher na ang tsansa ng mas maagang pag­me-menopause ay mas mataas sa mga kalahok na night shift workers sa loob ng dalawang taon o higit pa.

Gayunman, ayon sa mga eksperto, ang hindi pagtulog sa gabi ay nakasisira sa body clock ng indibidwal, gayundin, bumababa ang level ng sleep hormone na melatonin na may kaug­nayan sa ovaries.

Ngunit, ang stress at pagiging pagod ay naka­sisira rin umano ng estrogen level dahilan para mapunta sa menopausal age ang babae kahit wala pa ito sa naturang stage.

Ayon kay Dr. David Stock, leader ng pag-aaral na isinagawa sa University of Dalhou­sie, Canada, ang pag-aaral ay ang unang pagsisiyasat tungkol sa kaugnayan ng rotating night shifts, edad at menopausal.

Sa pag-aaral, napag-alaman na mayroong malaking kaugnayan ang oras ng trabaho sa mga kababaihang nag-menopause bago ang edad 45, ito ay dahil sa disruption ng circadian rhythm, stress o fatigue.

Bukod pa rito, base sa ilan pang pag-aaral, ang kababaihang night shift workers ay may mas mataas na tsansa na magkaroon ng breast at endometrial cancer.

Samantala, ang pag­tatrabaho sa gabi ay pinaniniwalaang nakaaapekto sa sex hormone level kung saan nakapagpapataas ito ng tsansa na maka-develop ng cancer o pagtigil ng ovulation ng kababaihan.

Ayon sa mga researcher, ang mga kala­hok na late night workers sa loob ng 20 buwan o higit pa ay may 9% na tsansa ng maagang menopause. Gayunman, ang mga babaeng nagta­trabaho sa night shift ng higit sa 20 taon ay may 73% na mag-menopause nang maaga.

Ayon sa mga eksper­to, ang pagtatrabaho sa gabi ay nagpapataas ng risk ng miscarriage at premature birth. Ga­yun­din, ito umano ang dahilan ng pagbaba ng melatonin kung saan ito ay may mala­king gina­gam­panan sa pagpapa­natili ng pag­wo-work ng ovaries at pagpo-produce ng egg cells para magkaroon ng kakaya­han ang babae na magkaanak.

Kaya para sa mga sis natin diyan na health conscious, hinay-hinay lang sa pagtatrabaho, ha? Kung keri ninyong magpalipat ng schedule, eh, go na! Make sure na dehins ninyo napababayaan ang inyong kalusugan nang sa gayun ay hindi kayo mag-suffer sa future.

Copy?

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page