Kaya make sure parents na namo-monitor n’yo sina bagets... MGA NGIPIN, KERING GAMITIN PARA MA-DETECT

SAY aaahhh! Ooops, hindi ito usaping pagkain dahil ito ay tungkol sa mga kakayahang kayang gampanan ng ating mga ngipin. Knows ba ninyo na ang mga ngipin na ginagamit natin sa pagkain ay kayang maka-detect ng iba’t ibang klase ng sakit sa pag-iisip? OMG!
Ayon sa mga archeologist, ang mga ngipin ay kayang maka-detect noong ancient civilizations mula sa diet at lifestyle ng indibidwal, gayundin ang kanyang kamatayan.
Gayunman, sa makabagong pag-aaral, sinabi ng mga researcher na ang bibig ay kaya rin umanong maka-reveal ng mga detalye tungkol sa ating kinabukasan, partikular na ang pagkakaroon ng iba’t ibang sakit sa pag-iisip tulad ng depression, anxiety, bipolar disorder at schizophrenia.
Sinabi ni Dr. Erin Dunn, psychiatrist mula sa Massachusetts General Hospital, nagsagawa umano sila ng eksperimento kung saan in-examined nila ang mga ngipin ng mga batang nasa edad 6 kung saan natuklasan na ang pagkakaroon ng enamel ay puwedeng maihambing sa pagkakaroon ng attention deficit hyperacitvity disorder (ADHD).
Samantala, sa pag-aaral na ipinrisinta sa American Association for the Advancement of Science sa Washington DC, naghanap ang mga eksperto ng 37 magulang na mayroong anak na 6 na taong gulang pataas sa California na makapagdo-donate ng kanilang mga ngipin na binunot na.
Matapos nilang pag-aralan ang nasabing mga ngipin, natuklasan nila na mayroon itong high-resolution imaging na maikukumpara sa pag-aanalisa ng behavioral assessments ng mga kabataan.
Dagdag pa rito, nakita nila ang pagkakaiba-iba ng dimension at kalidad ng mga ngipin ay better predictors ng mental health kung saan maaari itong gamitin ng mga psychiatrists para malaman ang family set-up.
Maliban pa rito, maging ang eating habit ay kering malaman nang dahil sa mga ngipin, gayundin ang pangangalaga natin sa ating hygiene kung saan malalaman dito kung gaano kayo kahilig sa matatamis, maaalat at kung matakaw o mahina ba kayong kumain.
Kaya, ang payo ng mga eksperto, alagaan ang sarili, lalo na ang mga ngipin dahil may hangganan ang pagtubo nito.
Kaya mga beshy, make sure na magsesepilyo tayo regularly para sa mas maputi at magandang ngiti. Totoo pala na ang lahat ng nilikha ng Diyos ay may kani-kanyang purpose.
Have a healthy lifestyle, mga beshy!
Gets mo?





Comments