top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Kumbaga, tapos na ang honeymoon phase... MGA BAGAY NA GINAGAWA KAPAG MASYADO NG KAMPANTE SA RELASYON

  • Jersey Sanchez
  • Feb 27, 2019
  • 2 min read

SIGURADONG may mga lovebird diyan na nagtataka kung bakit ang pu­numpuno ng kaki­ligan ang kanilang relas­yon, eh, bigla na lang tu­mamlay? Ma­­papa­kanta ka na lang tuloy ng “bakit ka nag-iba? May­roon na bang iba?” Ooops! Don’t worry dahil wala siyang iba, besh! Ang nag-iba lang, eh, ang stage ng relasyon ninyo, kaya narito ang ilang senyales na na­lampasan na ninyo ang honeymoon pace:

1. YOU’RE NOT AGREEING ON HOW MUCH TIME YOU SHOULD SPEND TO­GETHER. For sure, aabot sa point na ang isa sa inyo ay may mga responsibilidad sa trabaho, kaya limitado na ang oras ninyo sa isa’t isa kahit sa isang bubong lang kayo nakatira. Dahil dito, maaaring maramdaman ng isa na hindi siya priority ng kanyang partner. Ayon sa mga eksperto, normal lang na hindi magtugma ang schedule ng bawat isa gayung may kani-kanya silang res­pon­sibilidad, pero dapat importante na mayroon pa rin silang komunikasyon.

2. THEIR QUIRKS ARE STARTING TO IRRITATE YOU. Sa um­pisa, natutuwa o naku-cute-an tayo sa quirks o weirdness ng ating partner, pero ha­bang tumatagal ay nakaiirita na. Sey ng experts, hindi ka da­pat mag-focus dito dahil ang dapat mong bigyang-pansin at alamin ay ‘yung mga ba­gay na talagang nakaba-bo­ther sa iyo. Ga­yundin, imbes na mainis sa weirdness ng iyong partner, why not na pag-usapan ninyo ang mga bagay na dapat ninyong baguhin? Hmmm…

3. YOU WISH THE RELATIONSHIP WAS MOVING AT A FASTER PACE. ‘Yung feeling na ready ka na sa susunod na level ng inyong relasyon, pero ‘yung partner mo, eh, hindi pa. Ayon sa mga eks­perto, normal lamang ito dahil halos lahat ng mag-partner ay pinagdaraanan ito. Don’t worry dahil mayroon talagang mga tao na hindi emotionally ready pagdating sa mas mataas na level ng commitment. ‘Ika nga nila, ang magandang relasyon ay hindi minamadali, kaya easy ka lang!

4. YOU DON’T TALK AS MUCH. Kung noon, eh, walang oras na hindi kayo magkausap, ngayon ay ba­ligtad na. Huwag ninyong hahayaang umabot sa punto na halos hindi na talaga kayo nakapag-uusap dahil komu­nikasyon ang isa sa mga bagay na dapat panatilihin upang mag-work ang re­lasyon. Copy?

5. YOU BICKER OVER LITTLE THINGS. ‘Yung tipong kahit napakaliit na bagay, eh, pag-aawayan pa ninyo. Ayon sa mga eks­perto, kung ang isa sa inyo ay stressed o may pinagda­raanan, maaari umanong makapag-trigger ito. Kung may hindi kayo napagkaka­sunduan o hindi pagkakain­tindihan, mabuting kumalma muna kayo bago pag-usapan ang bagay na ‘yun. ‘Ika nga nila, may mga bagay na hindi worth it pag-awayan. Okie?

6. THE RELATION­SHIP IS STARTING TO FEEL DULL. Alam nating hindi perpekto ang lahat ng relasyon kaya dumarating sa punto na nawawalan kayo ng interes sa bawat isa. Kung nasa ganu’ng punto na kayo, inirerekomenda ng mga eks­perto ang pagbalik sa umpisa ng inyong relasyon — ‘yung ligaw pace na talaga nga na­mang nakakikilig. Ayieee!

Oh, ayan, mga bro at sis, dehins pala ninyo kailangang mag-worry kung napa­pan­sin ninyong may nag-iba sa inyong relasyon, bagkus, ma­­buting gamitin ang mga pagbabagong ‘yun para mas makilala mo ang iyong part­ner.

Have a happy and mea­ningful relationship, mga beshy! Gets mo?

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page