top of page
BULGARY - JULIA, ‘DI TOTOONG BUNTIS, BALIK-SERYE-IG _montesjulia08.jpg

Para maiwasan mo na ang madalas na pag-inom ng pain reliever, besh!... DAHILAN KUNG BAKIT MADALAS NA

  • JERSENG
  • Feb 26, 2019
  • 2 min read

ANG una nating ginagawa sa tuwing masakit ang ulo natin, eh, ang maghanap ng pain reliever nang sa gayun ay tuluyan itong mawala. Pero, ang mga gamot na iniinom natin ay pansamantala lamang kaya kailangan pa rin nating uminom ng gamot sa susunod na pagsakit ng ating ulo. Kaya naman upang masolusyunan ito, dapat nating malaman ang sanhi ng walang katapusang pagsakit ng ating ulo. Narito ang mga posibleng kakulangan sa inyong katawan na nagti-trigger kaya kayo nagkakaroon ng migrane o headache:

1. VITAMIN D. Ito ay uri ng hormone na inire-release ng mga kidney. Gayunman, kadalasang nakukuha ang Vitamin D sa pagkain, supplements o pagbabad sa ilalim ng araw, ngunit, ang kakulangan sa nasabing bitamina ay nagdudulot ng pagsakit ng ulo. Mahalaga umanong ma-maintain ang Vitamin D sa katawan, pero ang pagka-overdoserito ay maaaring magdulot ng iba pang sakit.

2. MAGNESIUM. Ang magnesium ay nakatutulong upang ma-regulate ang nerve, muscle function,blood pressure at ito rin ay nagme-maintain ng bloodsugar level. Ayon sa mgaeksperto, ang kakulangansa magnesium ay nagiging dahilan ng pagkakaroon ng migraine. Gayunman, ang nuts, seeds, mga dahong-gulay, fortified foods tulad ng cereal, gatas at yogurt ay epektibong source ng magnesium.

3. DEHYDRATION. Oo, besh! Posible rin umano itong maging sanhi ng pagsakit ng ulo. Bagama’t, alam ng karamihan na importanteng mag-intake ng fluid kada araw, maraming indibidwal pa rin ang hindi nakagagawa nito. Kaya ang payo ng mga eksperto, uminom ng mas marami pa sa 64 ounces ng tubig kada araw upang maiwasan ang dehydration.

4. VITAMIN B2. Bagama’t, lahat ng Vitamin B ay may kaugnayan sa pagpoprotekta sa sakit ng ulo, ang Vitamin B2 ang pinakamahalaga. Ayon sa mga eksperto, ang Vitamin B2 ay nakatutulong umano sa mitochondrial energy metabolism kung saan ito ay may kaugnayan sa pagkakaroon ng migraine. Maaari umanong tumaas ang Vitamin B2 sa pamamagitan ng supplement, gayundin, sa pagkain ng itlog, kidney, liver, lean meats, milk, green vegetables, fortified grains at cereals.

5. SODIUM DEFICIENCY. Kung pawisin ka, isa umano itong senyales na kulang ka sa sodium kung saan ayon sa mga eksperto, puwede itong magdulot ng sakit ng ulo. Maaari itong solusyunan sa pamamagitan ng pag-intake ng maaalat na pagkain.

Hala! Dehins lang pala stress at pagod ang dahilan ng pagsakit ng ating ulo kundi ang ilang kakulangan din sa mga bitamina. Keri naman itong solusyunan ng mga supplement, pero kung hindi ninyo bet na gumastos para rito, eh, puwede rin naman ang mga pagkain na mayroong bitamina. Stay healthy, mga beshy. Copy?

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page