Make sure na dehins ka raw atat, besh! MGA PARAAN PARA MAS MAKILALA ANG MANLILIGAW
- BULGAR

- Feb 18, 2019
- 2 min read

SHOUTOUT sa mga biglang nagkaroon ng love life riyan, oh. Yieee! Nakakikilig nga namang isipin ang future ninyong dalawa, pero, besh, easy muna, ha? Narito ang ilang tips para sa inyo nang sa gayun ay ma-enjoy ninyo ang “getting to know each other” stage:
1. TALK ON THE PHONE. Sa panahon ngayon, marami nang paraan ng pakikipag-usap ang puwede ninyong gawin tulad ng pakikipag-text o chat at pakikipag-video call. Gayunman, makaluma mang pakinggan, mga beshy, pero ayon sa mga eksperto, ang pakikipag-usap sa pamamagitan ng tawag ay senyales na nagpo-focus at naglalaan ka ng oras para sa taong minamahal mo. ‘Ika nga nila, old but gold. Naks!
2. BE CURIOUS TO LEARN MORE ABOUT THEM. Karamihan sa mga single ngayon ay mayroong mindset na huwag paglaanan ng oras ang mga tao na sa tingin nila ay “waste of time”. Gayunman, ang pagkakaroon umano ng attitude na pagiging curious ay makapagpaparamdam sa indibidwal na pinahahalagahan siya ng tao. Sa ganu’ng paraan, magiging masaya siya at lalong gaganahan na maglaan ng oras para makasama ka.
3. BE OPEN ABOUT YOUR PASSIONS. Lahat tayo, eh, gustong magkaroon ng magandang pag-uusap habang kinikilala ang indibidwal na ating idine-date, pero, take it to the next level sa pamamagitan ng pagtatanong tungkol sa passion ng bawat isa. Kung magkasalungat ang mga bagay na gusto ninyo, why not na yayain siyang gawin ang mga bagay na gusto mo? Magandang paraan ito upang maging open din siya na sumubok ng ibang bagay na posibleng magustuhan din niya. At least, may mutual interest na kayo. He-he-he!
4. STOP TRYING TO “BOTTOM LINE”. Ang pagbo-bottom line ay isa umanong paraan ng pagmamadali na siya na ang iyong “the one” kahit hindi ka pa isandaang porsiyentong sigurado. Minsan, ito pa ang dahilan kung bakit ka nasasaktan kahit kasisimula pa lang ninyong kilalanin ang isa’t isa. ‘Ika nga nila, ang pagbuo ng maganda at matibay na relasyon ay hindi dapat minamadali, kaya easy ka lang.
5. DON’T ASSUME THAT HE/SHE IS LIKE EVERYONE ELSE. Kung minsan, sa sobrang advanced mong mag-isip, eh, nasasaktan ka dahil sa pag-aakalang ang idine-date mo ay tulad ng mga taong nakilala mo sa nakaraan na nanakit sa iyo. Gayundin, ito ang dahilan ng pagkakaroon ng pag-aalala at anxiety. Kaya beshy, hindi porke may pagkakatulad ang past at present mo, eh, parehas na ang kahihinatnan ng inyong relasyon. Okie?
6. CREATE A BALANCED DYNAMIC. 2019 na kaya tama na ang pang-i-stereotype! Paano? Siguraduhin mong hindi lang ikaw ang nag-e-effort. Magandang paraan ito para masanay siya na gumawa ng mga bagay na ginagawa mo rin. Halimbawa, ang simpleng pagte-text o pag-i-initiate na lumabas. Walang masama ru’n dahil kahit sino sa inyo ay puwedeng gawin ‘yun.
7. KEEP PRIORITIZING YOURSELF. Dahil nag-a-adjust ka sa mga pagbabago ngayong may idine-date ka na, dumarating sa punto na nagko-compromise ka nang sa gayun ay ma-meet mo ang needs niya. Mga beshy, naiintindihan natin na gusto ninyong ibigay ang lahat ng inyong makakaya, pero huwag kalimutan ang sarili, ha?
Oh, mga bro at sis, dehins natin kailangang magmadali dahil kung para sa atin, para sa atin. Siguradong mas masaya na sulitin ang bawat phase sa pakikipagrelasyon nang sa gayun ay hindi tayo magpapadalus-dalos dahil, ‘ika nga nila, true love waits.
Gets mo?





Comments