200K naospital sa matinding polusyon

ni Ejeerah Miralles (OJT) | March 14, 2023

THAILAND — Dulot ng patuloy na pagtaas ng air pollution sa bansa, halos 200,000 katao ang isinugod sa ospital nitong nakaraang linggo.
Ayon sa Thailand Public Health Ministry, mula Enero, tinatayang 1.3 milyon katao ang nagkakasakit dahil sa pagtaas ng antas ng air pollution. Halos 50 distrito ang naitala na mayroong level PM 2.5 particles na lubhang delikado sa kalusugan ng tao.
Pinayuhan din ng naturang ahensya ang mga bata at buntis na mas mabuting manatili na lamang sa loob ng bahay.
Nagpaalala rin ang gobyerno sa mga kumpanya na mag-alok ng work from home set-up sa kanilang mga empleyado at inatasan naman ang mamamayan na magsuot ng dekalidad na N95 anti-pollution mask.





Comments