top of page
RUN WILD - BARBIE, NAPABILIB SI ALDEN SA PAGIGING WILD-IG _barbaraforteza.jpg

200 sa online lending, nanakot, kulong

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Jun 6
  • 1 min read

ni Gina Pleñago @News | June 6, 2026



200 sa online lending, nanakot, kulong

Photo: NBI



Inaresto ang mahigit 200 staff ng isang online lending collection firm matapos matunton na responsable sa pagpapanggap na mga pulis para takutin ang mga borrowers na magbayad.


Sa ulat ng National Bureau of Investigation, nagpapakilala umano ang mga empleyado na police officer at gumagamit ng gawa-gawa o pekeng warrants at iba pang dokumento para mapilitang magbayad ang mga kumuha ng loan na hindi pa nababayaran.


Ayon kay NBI Director Melvin Matibag, gumagamit ang mga suspek ng mga taktika para palakasin ang pwersa ng paniningil


Nitong nakalipas na Hunyo 1, 2026, nagsagawa ng pagsalakay ang mga ahente ng National Bureau of Investigation (NBI) gamit ang mga cyber warrant na inisyu ng Regional Trial Court (RTC), nakumpiska ang mga text-blasting device, SIM card, mobile phone, at software na umano'y ginagamit para sa mass messaging at identity masking.


Nakuha rin ng mga awtoridad ang mga pekeng abiso, scripted threat, at mga pre-written messages na idinisenyo upang magmukhang opisyal na inisyu ng Philippine National Police (PNP) at ng NBI.


Kabilang sa nakumpiska ang mga larawan ng mga opisyal ng pulisya at iba pang digital na materyales, na umano'y ginamit upang palakasin ang iskema.


Itinanggi ng isang supervisor ng kumpanya na may alam sila sa gawain ng mga empleyado.


Nahaharap na ang mga suspek sa reklamong impersonation of law enforcers, illegal use of electronic devices, at falsification of documents.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page