top of page
Search
  • BULGAR

20-M ang balik-trabaho… Alert Level 1, pabor sa muling pag-unlad ng ekonomiya

ni Nancy Binay - @Be Nice Tayo | March 6, 2022



Hindi pa tapos ang COVID-19 pandemic.


Ito ang paalala natin sa ating mga kababayan matapos isailalim ang Kamaynilaan at 38 pang lugar sa Alert Level 1 o ang pinakamababang lebel ng health restrictions.


Maaari nang magbukas para sa 100 percent on-site work ang mga business establishments at workplaces at full capacity para sa public transportation.


Madaragdagan na rin ang bilang ng mga paaralang magsasagawa ng face-to-face classes sa buong bansa.


☻☻☻


Inaasahan namang 62 percent ng ekonomiya ang makakabenepisyo sa pagluluwag, ayon sa National Economic and Development Authority (NEDA).


Makadaragdag ito ng tinatayang P9.4 bilyon kada linggo sa ating ekonomiya at 20.3

milyong manggagawa naman ang makababalik sa trabaho.


☻☻☻


Ngunit para sa ilan nating mga kababayan, tila nakalimutan nila na nasa gitna pa rin tayo ng pandemya.


Ito ay matapos iulat ng Philippine National Police (PNP) na humigit-kumulang 22,000 indibidwal ang sinita, pinagmulta o nakulong dahil sa paglabag sa minimum health protocols at curfew sa unang araw ng Alert Level 1.


Mahigit 18, 700 katao ang nabigyan ng warning, samantalang 1,800 ang pinagmulta at 1,100 naman ang nakulong o pinag-community service dahil sa paglabag sa health protocols.


Sa bilang na ito, 4, 200 katao ang nasita sa Metro Manila. Kabilang sa mga violation ay ang maling pagsusuot ng facemask at hindi pagsunod sa physical distancing.


☻☻☻


Umaapela pa rin tayo sa ating mga kababayan — kahit na ang karamihan ng mga lugar sa ating bansa ay nasa Alert Level 1 at 2 — na panatilihin ang pag-obserba sa minimum health and safety protocols.


Hinihimok din natin ang ating mga kababayan na magpa-booster shot kung kuwalipikado at nariyan na ang supply.


Ito ay upang maiwasan natin ang muling pagsirit ng bilang ng mga kaso at muling maghigpit.


Habang unti-unti nating pinasisiglang muli ang ekonomiya ay sana’y protektahan din natin ang mga bunga ng sakripisyo ng ating medical frontliners.


☻☻☻


Paalala lamang sa lahat na manatili sa loob ng bahay, ugaliing maghugas ng mga kamay, bigyang-halaga ang kalusugan at huwag kalilimutang magdasal.


Malalagpasan din natin ito.


Be Safe. Be Well. Be Nice!


 

Kung mayroon kayong nais idulog o ipaabot sa inyong abang lingkod, maaari kayong sumulat sa BE NICE TAYO ni Sen. Nancy Binay, BULGAR Bldg., 538 Quezon Ave., Quezon City o mag-email sa benicetayo.gmail.com.


Paalala lamang na sana ay isama ninyo sa inyong mga liham ang inyong contact number upang mas madali namin kayong mapaglingkuran. Always Be Nice! FOLLOW US!  Facebook: www.facebook.com/SenatorNancyBinay Twitter: www.twitter.com/SenatorBinay @SenatorBinay Instagram: @SenatorNancyBinay

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page