ni Eli San Miguel - Trainee @News | October 31, 2023
Naaresto ang 20 katao sa Macapagal Boulevard sa Pasay City dahil sa paglabag sa liquor ban para sa Barangay and Sangguniang Kabataan Elections, ayon sa pulisya.
Sasailaim ang mga naaresto sa inquest proceedings ngayong Martes.
Ayon kay Police Col. Froilan Uy, hepe ng pulisya ng Pasay, nakatanggap sila ng ulat na may isang bar na nag-aalok ng alak at iba pang inuming may alak kahit na ipinatutupad ang liquor ban.
Agad na pumunta ang mga tauhan ng pulisya kasama ang isang miyembro ng Commission on Elections electoral board, sa nasabing bar upang tiyakin ang ulat. Ito ang nagdulot ng pag-aresto sa mga customer at staff.
"Nakabukas ang ilaw pagdating namin, may tarpaulin pa na nakalagay na October 29-30, bawal ang Pilipino at foreigner lang ang puwede. Nagkamali siguro sila sa pagkakaintindi dito sa ating Comelec resolution na nagdedeklara sa 29-30 na liquor ban," ayon kay Uy.
Kabuuang 13 dayuhan ang naaresto kasama ang 7 empleyadong Pilipino sa bar. Hindi sila nagbigay ng pahayag hinggil sa pagkakaaresto.
Comments