top of page
SHOWBIZ SPECIAL - ROMNICK- 54-ANYOS NA AKO, NAGBI-VIDEO GAMES PA RIN, WALA PA AKONG NASAKT

20-anyos, tiklo sa baril at droga

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • 1 hour ago
  • 1 min read

ni Maeng Santos @News | August 24, 2026



Lalaking sangkot sa ilegal na droga at may dalang baril arestado sa Caloocan City - PNP Northern Police District

Photo: PNP Northern Police District



Timbog ang 20-anyos na lalaking sangkot sa ilegal na droga nang inguso sa pulisya na may dalang baril sa Caloocan City.


Sa ulat ng tanggapan ni Northern Police District Acting Director P/BGen. Benliner Capili, nirespondehan ng mga tauhan ni Caloocan Police Chief P/Col. Joey Goforth ang natanggap na ulat hinggil sa isang lalaki na may bitbit na baril habang pagala-gala sa Brgy. 132, alas-11:30 ng gabi.


Gayunman, nang mapansin ng suspek ang presensya ng kapulisan ay nagtangka itong tumakas na naging dahilan upang habulin siya ng mga pulis hanggang sa maaresto.


Nasamsam sa suspek na si alyas Eliyas, ang isang kalibre .38 revolver na kargado ng apat na bala at isang plastic sachet na naglalaman ng nasa 8.1 grams ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng P55,080.


Nang hanapan siya ng mga tauhan ng Bagong Barrio Police Sub-Station 5, ng kaukulang mga dokumento hinggil sa legalidad ng nasabing baril ay walang naipakita ang suspek.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page