top of page
BINI Gwen.jpg

2 yrs. nang magdyowa… ASHLEY, AMINADONG TAPOS NA SILA NI MAVY SA HONEYMOON STAGE

Writer: BULGAR
BULGAR
16 hours ago
3 min read

ni Beth Gelena @Bulgary | October 28, 2026



Ashley Ortega at Mavy - PBB

Photo: Ashley Ortega at Mavy Legaspi - File / PBB



Hindi man kasing-intense ng unang mga buwan ng kanilang relasyon, hindi naman nawawala ang sweetness nina Ashley Ortega at Mavy Legaspi.


Aminado ang Kapuso actress na lampas na sila sa honeymoon stage matapos ang dalawang taon, pero patuloy pa rin nilang ipinaparamdam sa isa’t isa ang pagmamahal.


Sa kanyang guesting sa Chika Cart, ikinuwento ni Ashley kung paano nila pinananatili ang lambing sa kanilang relasyon, kabilang na ang simpleng pagpapalitan ng ‘I love you’ bago matulog.


Sey ng aktres, “Oo naman. S’yempre, especially ‘pag matutulog na, magte-text ng ‘Good night. I love you.’ Lagi namang may ‘I love you.’”


Pagdating naman sa kanilang pagkikita, sinabi ni Ashley na mas naging lowkey na ang kanilang relasyon. Gayunman, dahil mas may libreng oras na sila ngayon, halos araw-araw pa rin silang nagkikita.


“Kasi kami ni Mavy… tulad nga siguro sa ibang mga relationships, alam mo, medyo lowkey na lang din kami. We see each other, lalo na ngayon na may free time na kami sa isa’t isa, so almost every day, nagkikita rin kami,” pagbabahagi niya.


Para kay Ashley, hindi nangangahulugang nawawala na ang kilig kapag lampas na sa honeymoon stage ang isang relasyon. Sa halip, mas nagiging mahalaga ang mga simpleng sandaling magkasama sila, tulad ng pagkukuwentuhan tungkol sa kani-kanilang araw.


“I don’t say na wala na ‘yung mga kilig-kilig moments, kasi ‘yung honeymoon stage, tapos na ‘yun—two years na kami. Every day naman, I feel special basta nand’yan s’ya. We talk about each other’s day, so feeling ko, ‘yun na ‘yung daily basis namin,” paliwanag ng aktres.


Hindi lang sa pag-aalaga sa kanilang relasyon nakikita ni Ashley ang effort ni Mavy. Naa-appreciate rin niya ang unti-unting pagiging malapit ng boyfriend sa kanyang Chihuahua na si Yoda, na hindi raw madaling lapitan dahil nangangagat.

“Na-appreciate ko s’ya kasi meron akong dog, si Yoda.


Nangangagat ‘yun. Alam mo, si Yoda… it took Mavy one and a half year bago n’ya mahawakan. Ngayon, ‘di pa n’ya mabuhat pero nahahawakan n’ya. Naa-appreciate ko na minamahal n’ya na rin si Yoda kahit ganu’n ‘yung ugali ng anak ko,” masayang kuwento ng aktres.





May pangalawa na kina Ria at Zanjoe…

SYLVIA, WISH NA MAGKA-BABY NA RIN SINA ARJO AT MAINE



HINDI pa rin talaga matatawaran ang galing sa pag-arte ni Sylvia Sanchez.

Madalang nang mag-movie ang batikang aktres, pero kapag gumawa naman, asahan nang pang-award ang role na makukuha niya.


Muli niya itong pinatunayan nang siya ang nakasungkit ng Best Supporting Actress sa nakaraang 42nd Philippine Movie Press Club (PMPC) Star Awards for Movies.


Nakuha ni Ibyang ang parangal para sa natatangi niyang pagganap sa pelikulang ImPerfect, kung saan winner din ang nasabing movie bilang Movie of the Year.


Kahit maigsi lang ay nakatsikahan namin ang batikang aktres. Tuwang-tuwa siya dahil kahit madalang na lang daw siyang gumawa ng pelikula, naa-appreciate pa rin ang kanyang acting.

Kasama ni Ibyang ang mga cast ng ImPerfect, pelikulang nakatuon sa persons with Down syndrome, na pinagbidahan nina Krystel Go at Earl Amaba.


At dahil malapit na ang Undas, ibinahagi ng aktres na sa Hong Kong daw magbabakasyon ang kanyang buong pamilya.


Very happy din si Ibyang sa coming soon na second apo nila ni Papa Art sa anak na si Ria at sa husband nitong si Zanjoe Marudo.


Nabanggit tuloy namin na sana ay magkaroon na rin ng baby sina Cong. Arjo at Maine Mendoza.

Ani Sylvia, “Sana... Sana.”


Anyway, nabanggit din ng aktres na hindi magsasawang gumawa ng inspiring movies ang Nathan Studios.





MATAGAL nang naghihintay ang mga fans nina Piolo Pascual at Judy Ann Santos na muling magsama ang dating love team sa isang pelikula. Ang tagal na rin namang hindi nasundan ang kanilang last movie na Don’t Give Up On Us noong 2006. Meaning, dalawang dekada na ang lumipas.


Sa isang panayam, natanong ang aktor kung sino ang gusto niyang makatrabahong muli para sa pelikulang gagawin.


Sey ni Piolo kay Matteo Guidicelli, “Sa ‘yo na si Sarah (Geronimo)... sa ‘kin na si Juday.”

Matagal nang pinag-uusapan na muling magsasama sa isang proyekto ang dalawang celebrities, pero hanggang ngayon ay wala pa ring magandang kuwento para sa kanila.


Ngayon, mukhang nag-iba na ang takbo ng hangin dahil napabalitang si Regine Velasquez na raw ang gustong makatrabahong muli ni Papa P.


May konsepto na raw silang napag-uusapan, pero nakadepende pa rin sa availability ng Asia’s Songbird.


Tila nainip ang aktor sa paghihintay ng tamang proyekto para sa kanila ni Juday, kung saan kapwa naman sila nagpahayag ng pagiging bukas sa reunion project kung may angkop na kuwento at tamang pagkakataon.


Hanggang ngayon ay umaasa ang mga fans sa reunion movie nina Juday at Piolo.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page