2 yrs. nang kasal, career pa rin ang priority… KZ AT TJ, 'DI PA FEEL MAGKA-BABY
- BULGAR
- Dec 2, 2022
- 2 min read
ni Reggee Bonoan - @Sheet Matters | December 2, 2022

Sa unang pagkakataon ay ipinarinig ni TJ Monterde ang isinulat niyang kanta na Sigurado bilang wedding vow niya sa asawang si KZ Tandingan sa ginanap na Just Music Fest! No Frills, Just Music partnerships with Wave 89.1 and Ingrooves na ginanap sa Trinoma Activity Center Mall nitong Linggo, Nobyembre 27.
Ayon sa musikero, noong ikinasal sila ni KZ ay verse at chorus lang ang kinanta niya.
“Nu’ng ikinasal kami ni KZ, mas pinili kong kantahin ang wedding vow ko, dinagdagan lang kasi noong ikinasal kami verse and chorus lang ‘yun. All throughout our marriage for the past two years, binuo ko ‘yung kanta.
“It’s actually the full version of my wedding vow at ngayon ko lang na-realize na first time ko siyang kakantahin nang live,” saad ni TJ nang makatsikahan namin pagkatapos ng show.
Noong una ay ayaw daw ipakanta ni KZ ang wedding vow niya sa harap ng ibang tao, pero gusto raw ni TJ para ialay niya ito. Nasa audience rin kasi ang tinaguriang Asia's Soul Supreme.
“Na-realize ko, ayaw ko mang gawin ito kasi ayaw niya ng ganito, ngayon pa lang kakantahin ito.
Huli kong kinanta ito, sa harap mo (sabi kay KZ Tandingan na nasa audience) sa altar,” aniya.
Naghiyawan ang sandamakmak na supporters na nasa mall nang hapong 'yun at kilig na kilig sila kay TJ.
Anim na taong magkarelasyon sina TJ at KZ at dalawang taon na silang kasal.
Sa ngayon ay ine-enjoy muna nina TJ at KZ ang isa’t isa at ang kanilang respective careers at inamin din ng una na hindi muna sila mag-aanak habang marami pang offers.
Sabi nga, strike when the iron is hot.
“Pinag-usapan namin na hindi muna, pero kung darating at ibibigay na ni God, blessing 'yun at sobrang saya na,” saad pa nito.
Anyway, bukod kay TJ ay may live performances din ang ibang Just Music talents tulad nina Kenji, Claudine Co, NKO XOXO, MC Einstein and I Belong to the Zoo with special performances from Pau Dimaranan and Sing Galing finalists, Kit Inciong, Myca Capili and Kim Macaraig.
Comments