2 yrs. kulong at P100K multa sa mananakit ng hayop
ni Atty. Persida Rueda-Acosta - @Magtanong Kay Attorney | December 13, 2022
Dear Chief Acosta,
Ako ay dog lover kaya natitiis ko ang walang humpay na tahol ng aso ng aking kapitbahay. Madalas masaktan ang nasabing aso dahil naririnig ko ang mga palo at ang mga tahol ay napapalitan ng mga iyak nito. Nais kong malaman ang posibleng may nalabag na batas at ang kaakibat na parusa upang mapagsabihan ko ang aking kapitbahay dahil naaawa ako sa kanyang aso. - Azul
Dear Azul,
Nakasaad sa Seksyon 6 at 9 ng Republic Act No. 8485 o mas kilala sa tawag na “The Animal Welfare Act of 1998,” na inamyendahan ng Republic Act No. 10631, na labag sa batas para sa sinumang tao ang magmaltrato ng anumang hayop at ang paglabag dito ay may kaukulang parusa. Ayon sa batas:
“SEC. 6. It shall be unlawful for any person to torture any animal, to neglect to provide adequate care, sustenance of shelter, or maltreat any animal or to subject any dog or horse to dogfights or horsefights, kill or cause or procure to be tortured or deprived of adequate care, sustenance or shelter, or maltreat or use the same in research or experiments not expressly authorized by the Committee on Animal Welfare. xxx
SEC. 9. Any person who subjects any animal to cruelty, maltreatment or neglect shall, upon conviction by final judgment, be punished by imprisonment and/or fine, as indicate in the following graduated scale:
1. Imprisonment of one (1) year and six (6) months and one (1) day to two (2) years and/or a fine not exceeding one hundred thousand pesos (P100,000) if the animal subject to cruelty, maltreatment or neglect dies;
2. Imprisonment of one (1) year and one (1) day to one (1) year and (6) months and/or a fine not exceeding fifty thousand pesos (P50,000) if the animal subject to cruelty, maltreatment or neglect survives but is severely injured with loss of its natural faculty to survive on its own and needing human intervention to sustain its life; and
3. Imprisonment of six (6) months and one (1) year and/or a fine not exceeding thirty thousand pesos (P30,000) for subjecting any animal to cruelty, maltreatment or neglect but without causing its death or incapacitating it to survive on its own; xxx” (Binigyang-diin)
Sa nabanggit mong sitwasyon, labag sa nasabing batas ang pagpalo sa aso dahil ito ay isang uri ng pagmamaltrato at kung mapatutunayan na ang kapitbahay mo ang gumagawa nito, maaari siyang mapatawan ng pagkakakulong, multa o pareho, batay sa nabanggit na batas at sa pagpapasya ng korte.
Sana ay nabigyan namin ng linaw ang iyong katanungan. Ang payong aming ibinigay ay base lamang sa impormasyon na iyong inilahad at maaaring magbago kung mababawasan o madaragdagan ang mga detalye ng iyong salaysay.
Maraming salamat sa iyong patuloy na pagtitiwala.





Comments